Daily Archives: June 29, 2012

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

(hanggat kayang sabihin ng tapat, pakawalan at nang wag masilat)

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Hangga’t damdamin ay di nagbabago, ako ay mananatiling nariyan…

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Hanggat sa puso mo, espasyo sa akin ay nakalaan, ako ay mananahan…

 Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Ako ay sa iyo, kahapon, ngayon, at sa bukas kung ito ay magiging ngayon…

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan..

Hindi ka isusuko, no way, lava ng Mayon ako man ay agusan!

 
 
(BOOM! ^_^)

HALIK

Humarap sa salamin, ngayon lang nagkapanahong masdan ang sarili…

Wala sa isip na hinaplos ang mga labi…dumudulas sa daliri…

Hmmmm… napaisip…

Matagal nang panahong pag-ibig ay di dumadampi…

Ano na kaya ang pakiramdam ng halik sa labi?

Sa aking palagay, hindi lahat ay nakakatuwang maranasan…

Lalo na kung ito ay may kasamang karahasan…

O di kaya, halik ay ibinibigay ng panandalian…

Matapos na makuha, ikaw ay tatakasan….

Mas nanaising ang halik ay may kasamang damdamin,

Bago idampi, nariyang tumitig, labi ay marahang haplusin,

Ang tibok yaring puso ay parang nag-uunahan,

Pagpikit ng mata, init ng hininga ay nararamdaman.

(Napakagandang pakiramdam, napakailap na pagkakataon…)

 

Pasasalamat sa PAALAALA ng isang MATINIK NA MANUNULAT…ako’y nakikinig…

Anonymity….

Anonymity gives us a sense of security… a little shelter from the harsh judging world…

True, we are here to share ourselves and feel good about being appreciated by people we don’t even know…

You see, we all want to belong…

and here, the empty space is filled in not only by one person, but by a number… heck by thousands of people later!

We get to be who we want to be, who we can be, who we dream to be…

We get to show the different sides of our person, without the fear of not complying with the standards of other people…

Here, its our own standards… not their’s… because this is our own world, WE CALL THE SHOTS!

Here, we are US… the true US… no pretenses….

(Tugon sa kathang Why Blog? Anonymous. Why?)

Ako? Yes, I was careless and naive… hihihi pero walang pagsisisi…tama ang taong pinagbigyan ko ng karapatang makilala ang ako sa mundong totoo…. ^_^

inkeD With teaRS

“The most beautiful pieces are written by pens inked with tears…”

 

(tugon sa kathang Erasure)