Takbuhan

Kaytagal na nakatingala sa buwan,

Iniisip ang mga alaala ng nakaraan,

Kayrami mo na ngang nasilayan,

Kamalian, kagandahan, kagalingan.

Ano na nga ba ang nais balikan?

Mga akda at panulat, dala ay kasiyahan?

Nangingiti sa pababalik sa halamanan,

Kaligayahang tunay walang mapagsidlan.

Tunay ngang ikaw ang laging takbuhan

Lalo na kapag ang isip ay naguguluhan

Naghahanap, kahit payak na kasagutan,

Halina, sa hardin ito ay masusumpungan.

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 18, 2021, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind