KM3 TINIG- ISIGAW, ISATITIK …BIGYANG LAYA ANG TINIG NI JUAN DE LA CRUZ

“Tinig ay pakinggan, gaano man kalakas o kahina, galing man sa baga o sa tinta… ito ay mula sa pag-iisa ng puso at isipan.”

Si Juan de la Cruz ay nakamasid…minsa’y naiinis, minsa’y nakangiti…
Sa mga kabulukang sumisingaw at magagandang pangyayari…
Napagtanto, ating lupang hinirang ay mistulang isang kahon na may iba’t ibang bahagi…
Sa likod ng kanyang isipan, alam niyang may mali at tama sa kanyang nakikita…

Pinagtatakhan kung bakit pag-imik, hindi lagi lagi…

Si Juan de la Cruz ba ay bulag, pipi at bingi?
Hmmmnnn…. Palagay, palagay, palagay, ito ay mali…

Makimasid… ito ang kanyang kaisipan…

Tapat…

Mga tapat na tagapaglingkod, meron din naman,
Sila ay yaong mga iniluklok sa makinang na upuan…
Nasilaw sa kislap nitong taglay, hindi man lang
Sila yaong sa pagbaba sa tungkulin…
…mananatiling payak ang buhay at kabuhayan,

Kalungkutan….sila pa ang nabubura sa mundong ibabaw dahil sa bala ng kalaban…

Ganid…
May mga ganid at mapag-imbot, tusong mga kawatan…
Sumumpang maglingkod…ngunit bakit nais nilang sila ang paglingkuran?
Sila yaong mga buwayang nakikita natin sa araw araw…
…kunwa’y napakalakas, nakaabang lamang ng susunod na mabibiktima…
Sila yaong mga baboy sa paligid…
…masiba, matakaw, maingay ngunit patulog tulog naman sa pansitan
Sila yaong mga alimango (pagandahin na natin)…
…bibihirang tumuloy ng paharap… laging patagilid maglakad…
…hila dito, hila doon, mauna lamang sa bawat pagkakataon…
Sila yung mga matsing… pakuya kuyakoy, pa baging baging
… sungkit dito, sungkit doon, lalo’t walang nakatingin…

Sa kanyang pagmamasid, si Juan ay biglang napaisip…

Ano kaya ang kanyang magagawa?
Siya ay walang pangalan, walang karangyaan…
Iisa lamang ang taglay, kalayaang magmasid…
…at kalayaang magpahayag ng saloobin may tama sa manhid..

Bigyang laya ang tinig ni Juan de la Cruz!

Pasigaw man o pabulong…
Pagbitaw man ng salitang tumitimo…
Paglimbag man ng isinatitik na kaisipan…
May pagsang-ayon sa mga gawaing makabuluhan…
May pasaring sa mga gawaing puro katiwalian…

Hayagan ang kanyang pagbibigay puna
Malinaw ang kanyang tinta…
May tama ang bitaw ng salita…

Dahil ang binaril at iginupo…tulad din nating tao,

Nagkakamali ngunit may pagkakataong magbago…
Kailangan lamang may magsabing “Hoy mali!”
At may magpaalalang, “Ito ang tamang gawi.”

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 5, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 47 Comments.

  1. Salamat sa napakabilis na pagpapaunlak sa timpalak, pwedeng pakibago yong format.

    Pakilagay sa titulo mo : KM3 TINIG- ISIGAW, ISATITIK …BIGYANG LAYA ANG TINIG NI JUAN DE LA CRUZ

    Pangalan, at Lokasyon, saan sa Pilipinas.

    • wahahahah sinabi na ngang sanaysay eh hihihi… Mukhang di swak hihihi! anyway salamat sa paanyaya (na mula kay G. manul)… Ang naisulat ay naisulat na.. Laman ng puso at isip sa oras na ito ay binalangkas…di na po ako sasali hihihi, mukhang kailangan ko mag rewrite… Luvs ko na ung kinalabasan…. Tama na sya jan… Goodluck na lang sa lahat ng kalahok sa patimpalak ninyo 🙂 gogogo po!

    • ginoo, ang akin po bang babaguhin ay ung porma ng pagkakasulat? Or ung porma lang ng titulo? Tama bang ipinaskil ko sa hardin ko? Hayyyy sensya na po, baguhan, hihihi… Slow….:)

      kasi kung titulo lang ang babaguhin, sali pa rin ako.

      Pero kung kailangan kong baguhin ang istilo, di ko pa magagawa… Hihihi

    • ayun na po sa site nyo… nag update na… sali na uli… me libro pala ako hihihi

  2. sa tingin ko, pasok na ‘to.. para itong isang maso na inihambalos mo sa mga desk ng mga taga-KM3.. hehehe.. goodluck sa entry mo..

    • Salamat naman sa pagbibigay ng napakagandang puna, JH…

      ngunit ako lamang ay may agam agam… di ko alam kung tama ang aking pagkakasulat hihihi… at di ko alam kung ako ay nakakasunod sa mga panuntunan… ang hirap pala ng baguhan ^_^

      wala pa pong payo ang G. Kulisap… ay aking katha ay mananatili munang nakahimpil sa aking hardin lamang…

  3. Ang TINIG na tinutukoy ni jkul, kuhang kuha ng akdang to. galing!

    • wow ang nakakapalakpak di lamang ng tainga kundi pati damdamin ang iyong tinuran MD!
      Para sa isang baguhan, anumang papuri, maikli man o mahaba, ay nakakatuwa :)…. Salamt sa iyong pagbisita sa aking hardin… Pasyal pasyal ka lang… May mga katha ako tungkol sa pag drive ng buhay, baka iyong maibigan….

  4. hello, nakiraan lang at nakibasa… ^^

    good luck sa iyong lahok sa patimpalak and regards. 🙂

    • naku maraming salamat saliw! Ako man ay nakikibasa ng iyong mga akda, nahihiya lamang mag iwan ng bakas, 🙂 ako ay naanyayahan lamang…nagkataong nasa kundisyon tumipa 🙂 sana iyong naibigan, payak kong akda…

      • weh, di ka dapat mahiya, as in… medyo walanghiya ako, whehehe.

        btw, marami-rami kayong nag-discuss ng social realities sa patimpalak. pero itong sa iyo raw ang nauna? ^^ maganda ang gawa mo. kung may oras ka pa sana, mas maiging i-compress pa ng bahagya, para tighter kumbaga (nagsalita? ;)) ayon…

        di ko sure kung sasali ako, wala pang naiiisip, e. sana magkaro’n bago mag-11 pm, hihi. cheers! 🙂

      • hihihi… oo saliw… ako daw ang nauna… palibhasa mayroon akong insomia…

        natyempuhan ko ang pag announce ng tema, mulagat ang aking mga mata…

        naku…siguro ok na yan… kahit di ko na baguhin
        (kasi di na pedi hihihi, na submit na ^_^),
        pero sa salamat sa puna at suggestion ha?

        ang makasali ay isa nang karangalan,
        tama na iyon sa akin…
        hindi ako nangangarap manalo…
        kasi alam kong maraming mga batikang tulad ninyo…
        para akong bumangga sa adobe at bato ^_^…

        pero sa sarili ko, ako ay laging panalo, love your own hihihi!

        Katunayan, bibigyan ko ng ice cream ang sarili ko bukas… blow out ko, sama ka saliw hahahhaha!

  5. Good luck ms. Honey… 😉
    Napadaan para batiin ka…

    • Salamat Froggy….

      Ikaw ay isa sa mga may pinakamagandang ideya na natunghayan ko sa panulat…kung ikaw ay lalahok, alam kong may panalo ka… sali na! Mukhang masaya ang palitan ng kuro kuro sa KM3…

      • Whooooa! Hinay hinay lang… Wala akong bagsik … Hihi
        Mukhang magiging masaya nga ang kuru-kuro sa bawat ideya ng mga kalalahok..

        Kailangan daw ng pangalan. Naghahanap pa ako hehehe
        Basta good luck pa rin….

  6. Ayyy ayawan na! hahaha magaling..magaling…:D

    • naku nagulat naman ako WP!

      Salamat sa iyong papuring puna,
      napakaikli ngunit napakaganda…

      nabasa ko ang iyong panulat…
      ako ay wala sa kalingkingan hihihi!

      muli, salamat ^_^

  7. parang naririnig ko ang kanta ni gloc-9 na “UPUAN” habang binabasa ko to.

    astig.

    Good luck sa iyo 🙂

    • talaga G. Bagotilyo?

      pa share naman ng link…

      actually ang naaalala ko yung “banal na aso, santong kabayo”

      natatawa ako, hihihi!!!

      Salamat sa pagbisita sa aking katha…kung may time ka, pedi namang magpaikot ikot sa aking hardin…

      ^_^

  8. matapang ang tinig mo :)))

    palaban! goodluck po.

    • Sa iyo jhengpot:

      May tapang at may anghang… pero maniwala ka, ang may akda ay puno ng kalambingan ^_^

      Salamat sa pagbisita…. ikot ikot ka lang sa hardin ko … namnamin ang tamis ng pinalamig na pulot…

  9. Manul-nulat ng Bayan

    kaygandang katha…
    nawa’y naipalabas mo ang tinig na iyong-iyo…tiwala akong habang ginagawa mo ito ay ganap sa iyong kalooban ang pagiging isang tunay na Pilipino…
    mabuhay ka!

    • Siguro nga G. Manul, dahil nang magbukas ng magandang oportunidad ang mundo para sa mga nars, mas piniling dito sa atin makipagsapalaran… di pinagsisisihan ang pagiging makabayan ^_^

      Maraming salamat sa pagbisita….at sa paanyaya! ^_^

      • Manul-nulat ng Bayan

        mabuhay ka kung gayon…nananalaytay sa iyong mga ugat ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino at sa ating bansang Pilipinas….

      • Salamat G. Manul, tulad ng iba pa, ako ay may sarili ding dahilan sa pananatili…

      • Manul-nulat ng Bayan

        at maging ano pa man ang dahilang iyan ay ikaw lang ang nakakaalam….bagaman alam kong iya’y mabuti at ganap sa iyong katauhan…

        • Buo ang aking paniniwala G. Manul…

          Dito sa Pinas… parang butas ng karayom ang iyong pagdadaraanan…

          Pero ung ang pinili, yun ang pinaninindigan…

          Sapagkat ang aking katwiran… “Ako ay NURSE… mag-aalaga ako ng ibang tao sa ibang bansa…. paano sa panahong kailangan ako ng aking magulang o ng mga mahal ko sa buhay, kailangan pa ba nila akong antaying lumipad pauwi? Paano kung may flight delays? di ko sila aabutan… habangbuhay na pagsisihan…”

          Saan ka man, kung ikaw ay magsisikap, may ginhawang makakamtan…

          Hindi nga lang marangya ang aking buhay (ang pinoy nurses ay may kakayahang bumili ng condo sa Beverly Hills )…

          Wala nga lang akong magarang sasakyan (ang mga nurses natin sa amerika ay naka Rolls Royce)…

          Pero andito ako, kung kailangan ng kalinga ng isang nurse…
          …nagpakabalubhasa ako sa pangangalaga ng may sakit, paglalagay ng swero at sa pagbibigay ng inksyon, upang sino man sa mga mahal ko ay di masaktan kung kailangan nito…

          ^_^

      • dahil ang buhay ay maikli lamang, dapat alam natin kung saan tayo kapaki-pakinabang.. ^_^

    • Manul-nulat ng Bayan

      tama……

  10. Lahat sila dagat. isa lang akong pusali.

  11. Tinig man ng baguhan, may angas ding panlaban… Ipagpatuloy mo ang pagbulalas ng tinig na malaya,,,, rakenrol…

    • Maraming salamat Lipadlaya!

      Nabasa ko ang iyong katha, napakaganda!

      Ang aking ikinatuwa sa pagsali ay ang pagkakataong makasalamuha sa panulat ang mga batikang tulad ninyo…

      Nabubusog ang aking diwa sa napakagagandang katha na aking nababasa…

      Muli salamat! ^_^

  12. lab et!.. mahusay… habang binabasa ko ito… may background music “BUGTONG” gloc 9..
    sapul na sapul…. goodluck.. 😀

  13. gudluck honey.. sayang di ako nkaabot..

    • oo nga kaydee….

      nakatikim sana ang KM3 ng siksik, liglig at umaapaw na katha ^_^

      minsan ipinagpapasalamat ko na di ako agad makatulog, nahahagip ko itong mga ganitong pagkakataon hihihi

  14. Hindi pa man ipinapanganak ang isang Pilipino, tumatanda na ang pauli-ulit nating problema tungkol sa pulitika, sa sistema, sa batas, sa mga namumuno, sa relasyon ng simbahan at pamahalaan at maging tayo mismo bilang mamamayan- ‘ang mga nabanggit ay mamanahin ng mga susunod na henerasyon gaya ng pagmana natin sa nakaraan.

    Ano nga naman ang silbi ng tinig ng isang Juan Dela Cruz kung walang nakikinig o kung marinig man pataybingi. Sa iyong mga inihain sa itaas na patula, umaasa ako na bawat makakabasa nito ay magiging sandata ito upang magsilbing paaalala na sa bawat pagkakamali ay lagi tayong pwedeng bumawi. Na tayo ang magsasabihan na, ito ang tamang gawi.

    Yong tinig ni Juan Dela Cruz, kapag pinagsamasama, iyon ang tinig ng ating bansa. Mababawasan ang mga bulag, pipi at bingi. Sana naman.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa KM3- Tinig. 🙂

    • Sa iyo G. Kulisap, napakasarap basahin ng iyong puna sa aking katha…

      Isang paglalarawang intelektual at makatotohanan…

      Tunay na tunay, at nakakalungkot isiping, ang lahat ng mga nangyayari sa paligid natin ay may manang maituturing…

      Mayroong mabuti, mayroong masama… mayroong mali, mayroong tama…

      Ugali at gawi, kung mabuti ay nakikita sa supling…kung masama ay sumisingaw pa rin…

      Kung ano ang nakikita ng bagong sibol, aakalain nitong ito ay gawing maaring isabuhay at sundin…

      Sa aking araw araw na pakikibaka, tunay ang iyon sinasabi na gaano man katapang ang hiyaw kung mas pinipili ng nakakarinig na magbingi-bingihan, ito ay nawawalan ng saysay. Kadalasan, ang pumupuna at humihiyaw ay siya pang nawawalan ng buhay…

      Kung kaya’t ako ay sang ayon sa inyong patimpalak, isang paraan upang imulat ang kaisipan ng ilang may masidhing hangarin sa pagbabago, hindi man lahat…

      Ang tinig ng isa, dalawa, tatlo, hanggang kung ilan man ang may tapang, pag pinagsama-sama, kayang magdulot ng ingay at kamalayan sa mga taong piniling maging bulag, pipi, at bingi….

      Ito ay isa pang nakakalungkot, suporta mula sa mga taong nagtatamasa ng sagana ay di maasahan… sapagkat di nila nararamdaman ang kahirapan…di umiimik, husto nang humiga sa malambot na higaan…natatakot mawala ang kanilang karangyaan…

      Ang umaaray at humihiyaw ay ang ating mga kababayang salat sa ginhawa ng buhay…sila yaong sa gabi ay nag-iisip kung ano ang ipapakain sa pamilya kinabukasan, sila yaong sa umaga ay hinahabol ang araw upang kumita lamang ng maliit na halaga sa lansangan…

      Sa aking araw araw na paglalakbay, aking minamasdan ang mga tao sa kalsada, bakas mo sa kanila ang pakikipagtunggali sa kahirapan…ngunit, ginoo, ako sa kanila ay humahanga… init ng araw di nila iniinda, buhos ng ulan ay kanilang di alintana…ito ay karakter ng Pilipino na nangingibabaw sa ibang lahi…ang Pinoy ay may tiyaga, di madaling sumuko…

      IIyak at hahagulgol lamang sa isang tabi kung nakakaranas ng pagdadalamhati at matinding dagok sa buhay, kung nabibigo at mistulang walang pag-asa….

      Kinabukasan, ayun na naman sa kalsada…humaharap sa panibagong pagsubok, taas noo, kahit kanino…

      Yan si Juan de la Cruz…ang ordinaryong Pilipino…

      Hinihintay pa nating muli ang isang tamang pagkakataon na ang mga Juan de la Cruz na may ganitong katangian ay magsama-sama upang isigaw ang kanilang panaghoy…upang magkaroon ng panibagong kampeyon na magbibigay ng panibagong direksiyon sa ating lipunan…

      Mangyayari lamang iyan kung pamilyang iiwanan sa tahanan ay may umagahan, tanghalian at hapunan….

      Kung kailan, tanging Diyos lamang ang nakakaalam…

      Tayo ay magugulat na lamang, may isang ma[pangahas na sisibol…Isang Kampeyon na maituturing…
      maaring ang kampeyon na ito ay di pa isinisilang o nagkakamalay pa lamang…ngunit sa ating puso, pag-asa ay ating dala…

      Sa mga susunod na panahon, ating taimtim na dasal…bansa natin ay gabayan upang ang ating mga kabataan ay lumaking may sapat na kaalaman at may pusong tapat sa paglilingkod sa ating lupang hinirang…

      Salamat muli, G. J. Kulisap… ^_^

      • Wala namang ibang magyayakapan kundi tayo din. Baka sa pandama natin ay yakap tayo ng iba pero gaya ng isang kontrabida sa pelikula, umiikot ang mata dahil sa masamang balak.

        Marahil, kulang lamang tayo sa pagbabalik tanaw, kulang tayo sa pagkalinga sa ating kapuwa. Minsan pinapatulog lamang natin ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino natin. Hindi ako naniniwalang nawala na ang tunay na ugaling maka-Pilipino. Kailangan lamang sigurong pag-initin, at kapag nagising na…manggising pa ng iba. Kung sa papaanong pamamaraan…ah basta..sana sa ikabubuti ng mas marami.

        🙂

        • Tunay na tunay ang iyong tinuran at napakaganda ng iyong sinabing tayo-tayo rin ang magyayakapan upang tayo ay makaramdam…

          Kung ang pagiging Pilipino ay natutulog lamang… ito ay magigising sa yakap na malambing…

          Puso at isipan ay mahuhumaling sa kagustuhang hiram na buhay natin ay mabigyang ningning

          ^_^ salamat salamat salamat!!!

  15. salamat sa listahan G. kulisap… hihihi

    nasa unahan talaga ako ng listahan!

    isa lang ang masasabi ko….

    “kung may insomia, nasa unahan ng pila! ” bwahahahahah

  1. Pingback: KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

  2. Pingback: Makabuluhang Pag-iisip sa Tinig at Kalagayan ni Juan de La Cruz « Chilledhoney's Blog

  3. Pingback: KM3: RESULTA | Kayumangging Damdamin

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: