Daily Archives: June 19, 2012

Tinig at Panitik

(Pagpupugay at pasasalamat…sa paggising na natutulog na kamalayan at kakayahang magsulat…)

Tumugon sa paanyayang maglaro ng mga kataga…

Sabi mo, “napakasarap magsulat, sumubok ka ring bumuo ng katha”…

Sagot ko, “ako ay busy na tao”, at ako ay tumawa…

Di pinansin ang paulit ulit na paghahain ng mga akda…

Kasi nga, “Busy ako”… di nagbigay pahalaga nung una…

Sa kakakulit at sa walang sawang paanyaya…

Pagbigyan ka, ako ay tuluyan nang nagpasya…

Mga katha mo ay binisita, ayun na,  ako ay namangha…

Napakaganda ng  pagkakalapat ng mga kataga at talata…

Bawat kahulugan ay aking dama…nabighani sa bawat salita…

Ako ay sumubok tumipa, walang kwenta nung una…

Pakiramdam ko, bumuo ng kathang singganda, di ko kaya…

Nagtyaga kang gumabay, bawat hakbang, isa-isa…

Nagpapayo, nagbibigay ng kinakailangang giya…

Hinayaan mo akong maglaro sa isa mong akdang di pa nailalathala…

Sa bawat pagtipa, hinihintay  na ikaw ang manguna…

Ano ba ang aking ilalatag? nais ko’y may halaga…

Sinasalo ko ng nakangiti, pagbabato mo ng ideya…

Hanggang ang aking imbakan ay umapaw na…

Mga ideya, kailangan nang pasamahin, ako ay nagtakatak na…

Sa pagbuo ng unang maganda at makabuluhang katha…

(Ung mga nauna kasi ay pawang pa cute lamang, hahaha)…

Ikaw ang unang tagahanga, (kasi ikaw lang ang bumabasa … ^_^)

Umikot ang aking mga katha sa mga ideyang ating likha…

Nagkaroon ng panibagong kulay, buhay ay sumigla…

Nagkaroon ng magandang balitaktakan..

Pagbalangkas ng mga ideya ating pinag-uusapan…

Tinig mo ay aking kinagiliwan, lalo na’t mga salita ay may nilalaman…

Ikaw pa man din ay napakakulit, umaagos magagandang kaisipan…

Natutuwang tumipa na naman tuwing natatapos ating usapan…

Ngayon aking binabalikan, mga kathang nailathala

Ako ay natutuwa, bumuo ng katha akin nang kinaya…

Mahal ko ang mga panitik na nahahabi…

Mga panitik na minsa’y sumasalamin ng aking minimithi…

Bawat kataga naglalagay ng ngiti sa aking mga labi…

Hindi pa ako nakapagpasalamat ng maayos…

Dahil  sa tuwina, tayo ay mistulang wala sa ayos ( ^_^ )…

Sa tuwing tayo ay nag-uusap, ideya ay tila kumikislap…

Mahal ko ang tinig na naririnig, dama ko ang paglingap…

Maraming salamat, nasisiyahan sa pagpapahalagang natatanggap…

(Pagpapahalagang pumupuno sa puwang ng pusong hungkag…salamat 25pesocupnoodles, ang matinik na manunulat na aking maestro,  sa bawat araw na nawawala ang sakit ng bangs ko hihihi)

Tinig ng Pagtangis

Tinig ng pagtangis tumagos sa aking puso, isipan at kaluluwa…

Sadyang kirot ay nagdulot ng tuluyang pag-agos ng iyong luha…

Sa aking matamang pakikinig, iyong pangungulila sa ama ay aking damang – dama…

Ang iyong panaghoy, nauulinigan di lamang ng aking pandinig, kundi pati ng pusong lubhang nag-aalala…

Batid na walang anumang salita ang makakaalis ng iyong hinagpis..

Ngunit hayaan mong haplusin ang iyong damdamin, bigyan ng kaunting pahinga ang isipan,

Pagmamahal ng Amang pumanaw ay tunay na walang katumbas,

Ngunit Ina na kanyang kabiyak ay nariyan pa at nagmamahal din ng wagas…

Yumakap ng mahigpit, damhin pagmamahal na mainit at walang kupas…

Sa isa’t isa madarama ang kapayapaan…kahapon, ngayon at bukas…

Ikaw bilang kawangis ng iyong ama, produkto ng pagmamahalang walang hanggan…

At siya bilang mahal na kabiyak ng amang kinasasabikan…silang pinag-isa ng pagkakataon at panahon…

Tulad ninyo, ilaw ng tahanan ay aandap andap sa pighati…

Nangangailangan din ng inyong mga halik at ngiti…

Nawa’y sa paglipas ng panahong si ama ay di na makasamang muli…

Haliging nawala ay mapalitan ng singtibay na pangsuporta sa ina, kayo ng mga kapatid mong nagmamahal sa kanya…

Ako ay naniniwalang iyon ang nais ng ama, mula sa langit tatanawin kanyang iniingatang pamilya….

Pakiusap…huwag itong basahin…

hmp… ang kulit mo naman…

sabing huwag basahin…kulit mo!

 

kung ako sa iyo, click out na ako…

Alis na ako dito….

 

sensya na mga kapatid…..

sa araw na ito GALIT ako!

hindi ako EMO… GALIT na GALIT na GALIT AKO!!!

 

Ang sikip sikip ng dibdib ko!

Namumula ang mukha ko!

Di ako makahinga!

Nakakuyom ang mga palad ko!

Nagsisikip ang dibdib ko!

Ayoko na! Ayoko na! Ayoko naaaaaaaa!!!!!!

 

Pag mabait ka sinasamantala ka…ako naman si “T” bait, di makahalata…

Pag umunawa ka minsan, gusto lahat unawain mo na…

Eh paano naman ako???

Sinong uunawa sa akin???

Isinabit nyo na ako???

Sa lahat ng ginawa ko para sa inyo….ganito pa????

Nakatapos na kayo’t lahat, ang iniwan nyo, kargo ko pa rin???

Ang saya nyo naman!!!!

 

Anak ng sampung kalabaw na nilalangaw!!!!

 

Gusto kong magmura! di ko magawa!

Gusto kong manuntok! di ko magawa!

Gusto kong manipa! di ko magawa!

 

Gusto ko nang umuwi!!!

 

Gusto kong sumigaw…. ayan gagawin ko yan mamya!

Sa biyahe pauwi… dadaan ako doon sa burol…

Isasara ang pinto ng kotse, di ako dapat marinig ng mga anghel sa loob…

Ilalabas ko ang baga ko!

Isisigaw ko ang mga hinanakit ko!

Isisigaw ko ang mga sama ng loob ko!

Sa mga taong mapagsamantala, graaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!

Sa mga taong walang pakiaalam sa iba, sarili lang nila iniintindi nila…..graaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!

 

Tsk tsk tsk tskkk……. ang hirap ng ganito…. di ako makapaglabas ng emosyon ko….

Kasi sa harap ng mga tauhan ko ako dapat ang in control……

Pag nawindang ako… windang silang lahat….

Magkakawindang-windang!!!!

 

MAGDADASAL ako…IPAGDADASAL ko kayo…

MAMAYA..

Pag hindi na ako galit…

Nahihiya ako humarap ke BRO na ang pangit-pangit ko kasi galit ako!!!

 

graaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Pasalamat kayo sa nanay at tatay ko dahil tinuruan akong maging mapagpasensya at maka-Diyos…ayun o… hanggang langit ang haba ng pisi ko !!! tagos pa nga ata!!!! kung hindi…. baka nakita nyo na akong nagwawala!!!

 

grrraaaaaaahhhhhhhhhhhhhh……

 

WP salamat ha?

 

Ganito na lang kesa makapanakit ako, sa salita at sa gawa… 😦

 

O tapos na, kailangan ko nang ngumiti… tapos na ang break… may mga tao na!!! (doble kara!)

 

Nasusuka ako… 😦

 

Gusto ko ng hugs…

 

(Pag galit, wag magsalita, baka pagsisihan lang ito…. humanap ng kanto na ikaw ay mag-isa…magtakatak na lang… nabawasan na ang sakit ng ulo…di ka pa napasok sa gulo….ANG SAKIT TALAGA SA BANGS NG MGA TAONG MAY PINAG-ARALAN NAMAN NGUNIT KUNG UMASTA DAIG PA ANG MGA ANIMALS SA GUBAT!)