HALIK

Humarap sa salamin, ngayon lang nagkapanahong masdan ang sarili…

Wala sa isip na hinaplos ang mga labi…dumudulas sa daliri…

Hmmmm… napaisip…

Matagal nang panahong pag-ibig ay di dumadampi…

Ano na kaya ang pakiramdam ng halik sa labi?

Sa aking palagay, hindi lahat ay nakakatuwang maranasan…

Lalo na kung ito ay may kasamang karahasan…

O di kaya, halik ay ibinibigay ng panandalian…

Matapos na makuha, ikaw ay tatakasan….

Mas nanaising ang halik ay may kasamang damdamin,

Bago idampi, nariyang tumitig, labi ay marahang haplusin,

Ang tibok yaring puso ay parang nag-uunahan,

Pagpikit ng mata, init ng hininga ay nararamdaman.

(Napakagandang pakiramdam, napakailap na pagkakataon…)

 

Pasasalamat sa PAALAALA ng isang MATINIK NA MANUNULAT…ako’y nakikinig…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 29, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 99 Comments.

  1. Ganito ba talaga ang pakiramdam? di ko pa nasubukan. haha!

  2. ano b yan honey bkt nman gnyan post mo??!!! naku!! bgla ko tuloy na miss!! hahaha..

    e kelan b ang huling beses n my dumampi sa iyong labi sis? ahihihi

    at oo heaven nga ang pakiramdam ahaha!! chos!😀

    • hihihi

      eh kesa naman nga PUNYAL ang post ko Kayedee!

      hmmmm… un na nga, bigla kong naisip, antagal na pala…at biglang napaisip…kailan muli?

      pedi namang manghila jan sa tabi tabi pero, naku naman, baka naman hininga at kaluluwa ay kasing baho ng pusali!

      nakakatakot din… ang pisikal na paglalapit ay hindi dapat biro lamang, mas ninanais na ang halik ay namnamin…sa tamang tao, sa tamang pagkakataon…

      ang million dollar question….hala, kailan yaon?

      • Anung punyal? hehehe!!

        uu nga. ako dn, d ko gngwa ang humalik s d ko mahal. maryosep eiwness!😀

        so kelan nga ang huli??? itsusera ako! ahihihi

        • shucks!

          oo nga ano? ilang years na nga ba? between 5 and 7?

          pambihira!!!!! years ago na pala….saan ba ako galing nga mga taon na iyan?

          ako ay nagpakadalubhasa sa pagsasaayos ng aking buhay kaya nalimutang… may word palang HALIK?

          hahahahaha

      • Yung PUNYAL kasabay ko naisip ng HALIK kanina…

        hindi tungkol sa pag-ibig, tungkol sa buhay pakikibaka…

        I have decided to post HALIK….

        Babaguhin ko yung PUNYAL, morbid eh hihihi

  3. saka yong mga na-link sakin maryosep mas conservative pa sakin, yong isa nga ayon ikakasal na kay lord.

    Hehe! hindi ko na pinigilan baka may ibang meant to be, hintayin ko na lang.

    • Meron yan, Ani, darating…

      Minsan sa paraan at sa pagkakataong di mo inaasahan…

      Maging matatag lang sa lahat ng kakaharapin…

      Dahil ang buhay, may Yin at Yang, mas saya at luha.

      • oo nga po, nagsisimula pa lang ako magbukas sa totoong mundo. Para kaseng ako mismo ang gumawa ng sarili kong hawla. Sigoro panahon na, pray ko na if ever may darating magiging ok parin ang lahat anu man ang mangyare.

        • lingon lingon…

          baka andyan lang sa tabi tabi…

          minsan di natin kasi pinapansin ang mga nakapalibot sa atin…

          yan ay aking pagkakamali…

          huwag tumulad…

          pag-ibig na huwaran, yung ikaw ang pinakamahalaga, aking napakawalan, dahil sa malayo ako nakatingin…

          nabulag sa kagwapuhan at matatamis na salita (kabataan pa kasi) hihihi…

          hindi pala iyon ang mahalaga…

          gwapo man at matikas kung DUWAG humarap sa hamon ng buhay,

          mas mabuti pang isauli sa nanay…

          pag ang taong iyon (na nagmahal sa akin ng lubusan na hindi ko sinuklian noon) ay aking namamasdan ngayon kasama ng kanyang masayang pamilya, may kaunting panghihinayang…. sana ako yung asawang nakangiti…

          pero ganun talaga ang buhay, parang life…

          may mga pagkakamaling di na peding itama dahil ang panahon at pagkakataon ay di na umaayon..

          ang tanging magagawa ay maging masaya para sa kanila, sa kanilang tamang pasya (na hindi mo nagawa)…

      • lumingon pa talaga ako sa paligid ko. Ahaha!

        Sana nga may mahabang pasensya ang makabunguan ko, Manhid pa nman daw ako sabi nila. hahaha!

        Tingnan natin, mag-iiba sigoro ang tono ng mga sinusulat ko pag dating ng panahing yon.
        🙂

  4. hala honey! 5-7yrs?? hnd yan matagal. forever n ata yan. ahahah..pro sbagay d nmn minamadali yn or pinu push. pro.tagal na ha? bilib ako at ba bc k sa pagpapalaki ng iyong mga babies..🙂

    anini, darating yn. mas mgnda ang mrunong nag aantay, mas malayo s sakit na pde mo pagdaanan.. mas mbuti ung una mong pag aalayan ng pagmmhal ay sya na din ang huli.🙂

    • Oo kaydee, matagal na din nga pala…

      marahil natakot ako sa pain…

      parang sa loob ng ilang taon, inilock ko ang puso ko kasi nga muntik ko nang bawiin ang buhay ko sa huling delubyo na pinagdaanan ko….

      actually, ngayon lang uli bumubukas…unti unti… malaman na lang bukas….

      hindi ako takot sa pag-ibig o sa iibig….

      takot ako sa sarili ko dahil ako ay nawawala sa wisyo pag umiibig hihihi

      pero kidding aside, dasal ay maging maayos ang pahina ng aking kinabukasan….

      Kaya ng tatag ng lahi ni Tandang Sora ang humarap sa lahat ng laban….

      Pero sila din ay anak ni Eva na ginawa ng Diyos para makasama si Adan, magpasawalang hanggan…

      Malungkot ang mag-isa…

      wala sa ayos…

      hihihi

      • Pro naniniwla ako na hnd mo na maibbigay ngyun ang laht sa knya. kc may kahati na sya. ang iyong mga anak na pde mong kapitan at lakas pag ikaw madapa ulit.. pero wag naman sana…

        pero tama yang ugaling. marunong mag antay🙂

        • ay naku kayedee, wala akong pagtangi sa kanya… kaya nga siguro di ko pinansin… siya lamang ang talagang humabol… sobra…

          sabi ko nga, kung sana ang nararamdaman ko ay higit kesa sa kaibigang turing ko sa kanya noon, baka kami nga ang nagkatuluyan hahahha

          pero promise, napakasaya kong makitang masaya sila! wlang pagkukunwari!

          oo tama ka… 3-in-1 ako.

          challenge sa lalaki ang pasukin ang mundo ko hahahah

          mahaba pa naman ang buhay… tingnan natin ^_^

      • Naku si ms honey pangahas na! Hala kailangan taasan ang bakod at lagyan ng kandado hehehe… Pero dont worry sa hatinggabi bubuksan ko… Hehehe kasabwat pa labas ko aba!….
        Humayo at hanapin ang kaligayahan. Wag nga lamang kakalimutan na mag-ingat dahil may dalawa kang masasaktan. Di pa kasama yung ibng nakapaligid sa iyong bakuran….🙂

        • ay oo naman Froggy..

          salamat sa paalaala…

          aling bakod ang ating tataasan? ^_^

          matagal na panahong nag-iingat…dalawang anghel, lumaki ng maayos at mabuti…

          hindi ko maunawaan… paano ako may masasaktan sa mga nakapaligid sa bakuran?

          ano ang kinalaman ng mga nakapaligid sa aking pasya, kung sakali?

          di na ata gumagana ang aking utak, synsya na ^_^

          • Sa’yong anak lang ba umiikot ang mundo mo? Kala ko p naman pati sa magulang at kapatid mo. Kya nasabi kong nkapaligid sa bakuran mo. May sarili ka nang buhay db. Kapit-bhay mo na ngayon ang ang magulang at kapatid mo… Hihi
            … Xnxa na lately ala ako sa wisyo… Hehehe

            • ahhhh

              grabe, di ko na getz un ah?

              nahilo ata ako dun sa mga comment sa HALIK hihihi

              tama ka, sa loob ng mahabang panahon, ang inikutan lamang ng buhay ay dalawang anghel…

              kanina, akin minasdan ang sarili, nanumbalik lahat ng isipin sa hinaharap mag-isa…

              naisip ring ano ba ang napalipas ko na hindi ko na rin nabigyan ng tuon…

              siguro ako ang tipo na ang aking pasya ay aking pinaninidigan…

              ako naman ay nagpapauna sa mga magulang at kapatid ngunit pang-unawa ang laging hiling…

              sapagkat ang aking pasya, tama man o mali, ay pinagkukunan ng tatag ng puso at isipan sa kinabukasan

              wala din ba sa wisyo? hihihi

  5. theworshipwarriorbride

    hahaha..natatawa ako pareho kami ni Ani…
    baby pa sa kiss hahaha pero ang pagkakaiba eh NBSB kasi ako..
    Ano ba naman ‘tong post na ‘to ate!!!
    hahaha this past few days kasi namimiss kong magka-crush, yung crush na maraming moment…
    may crush kasi ako mas busy pa sa’kin kakalurkey!!!
    tapos dahil may parating nga kaming event eh ngawa kami ng brochure
    at naku andami naming sample brochures puro galing sa Wedding Expo kakaloka!

    Kelan kaya hahaha

  6. takot akong mabuntis na bata pa. bwahaha! grabe ano? ganyan ako ka-advanced mag-isip dati. ‘Di ko kase alam pano ako mainlove so habang nag-aaral pa, set aside muna then after naging busy sa work. hehe!

    Pero paminsan minsan dumarating ang mga tukso pero kumplikado naman situation. Kaya di ko na pinapagulo, hayaan na lang silang lumayo. hehe!

    • chatroom na ba ito? ahaha! ang daldal ko.

      • hahahahah

        ginawang chatroom ang comment box!!!! ok lang di ako maniningil ng renta hihihi

      • theworshipwarriorbride

        hahaha..oo tama pareho tayo. Kaya in fairness naman malaki tiwala ng ama’t ina sa akin kahit lagalag ako at kung ‘san ‘san nakakarating alam kasi nilang wala akong balak magBF nang nag-aaral pa kahit may umaligid (dagdagan pa ng pagiging choosey ko hahaha). Nung grumaduate ako lahat ng lisensya sa pagbo-boyfriend ibinigay sa akin kaso wala pang aplikante kainis! Pero hintay lang tayo darating din siya…hahaha at ang entrance nya sigurado ay bonggang bongga hahaha…

        hihihi…at yung mabango hahaha kapag may napapadaang guy na nag-iiwan ng mabangong samyo sa paligid ay talaga naman lalo na kapag cute wahahaha!!!

        • hihihi

          kakatuwa ka warrior!

          sige lang

          pero warning…

          minsan ang gwapo, mataas ang kanilang bilib sa sarili…

          kung kaya’t minsan, di sila ganun magpahalaga…
          may comfort zone eh…

          kaya ingat lamang

          di naman nilalahat syempre…

          may mga gwapo ding napakaganda ng values pagdating sa love…

          yun ang hanapin… ^_^

    • naku ganyan din ako dati… study first… tapos family first… tapos self last….

      hayyy… its nice to know people who are just starting off with their lives…

      fresh, full of hope… nakakatuwa….

  7. at sinong nagtangkang pagnakawan ka ng halik?

  8. ang haba ng kuwentuhan nyo. ansaya. haha! halik? no comment, wala pa akong muwang sa mga ganitong topic.

  9. Manul-nulat ng Bayan

    hahaha…daming puna a, palibhasa marahil ay mga eksperto pagdating sa paksang ganito,,,,,,itatanong ko rin sana ang tanong ni kaibigang aninipot,,,,yung pinakaunang puna,,,,hehehe

  10. Gusto ko na rin itanong ang tanong ni Ani… Hahha sa umpisa…

    “Humarap sa salamin, ngayon lang nagkapanahong masdan ang sarili…

    Wala sa isip na hinaplos ang mga labi…dumudulas sa daliri…

    Hmmmm… napaisip…”

    — kaloka ka ms honey hehhehe
    Kailangan na ng KILIG MOMENTS…🙂

  11. isang halik na tila nais makamit
    halik na mag-aalis ng pagka-inip
    sa isang taong napapa-isip

    sana nga ay iyo nang makamit
    ngunit wag sa taong bago lang ka-meet
    kundi sa taong may angking bait
    na ang handog sa iyo ay pag-asang bitbit

    ….ayan mga kataga na naman aking nasungkit
    alay sa isang marikit

  12. parang gusto ko tuloy humarap sa salamin at hawakan ang nguso.. este labi ko…

  1. Pingback: “Tanging sarili lang a… | 25pesocupnoodles

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: