Daily Archives: June 30, 2012

Tagusang Pader…

Pader na tagusan, aking nakita…

Taglay ay misteryo sa magkabilang banda…

Isang buntung hininga…

Tumatagos kahit mahina.

Isang  haplos sa kaluluwa…

Banayad ngunit nadarama…

Isang paalaala sa natutuwa…

Pinapakawalan sa tuwina…

Isang pagsang-ayon sa akda…

Katwiran ay tumatama…

Puso sa magkabilang banda…

Dasal ay mapabuti bawat isa…

(Umapaw ang tinta…. PADER na sandalan nagsalita….)