Daily Archives: June 14, 2012

MAPANGAHAS….sa buhay

Heto ang bumulaga kaninang umaga,

Ang kapal ng fog sa aking daang tatahakin,

Hindi masyadong makita ang kalsada,

Wari’y nais pang huwag maabala,

 

Ang sabi ng aking Ina, “Huwag na kayong tumuloy”

Nauunawaan ko ang kanyang pagkabahala,

Dala ko ang dalawang bata,

Iisang taon pa lang akong nagmamaneho,

Ang daan sa amin ay puro kurbada,

May banging malalim, di makita ang dulo.

 

Tumitig ako sa kawalang nasa harapan…

Iniisip kung ano ang gagawin ko…

Ako ba ay mangangahas tumuloy

O hahayaang tumila ang ulan at magpakita ang daan…

 

Kinapa ang puso at isipan,

Hinanap ang tapang,

Kumbakit ang lakas ng aking pakiramdam

Na ang daang natatakpan ay hanggang diyan lamang…

 

Bumuntung hininga, hinalikan ang Ina,

Sana mapawi ng aking yakap ang kanyang kaba,

Sapagkat ako ay nagpasya,

Sa ulang bumuhuhos, ako ay sasagupa…

 

Nagdarasal ng taimtim habang tumatakbo,

Panginoon, gabayan Nyo po ako,

Panginoon, ingatan Nyo po ako,

Pati buhay ng mga supling na dala ko..

 

Mga ilang kilometro lang ang itinatakbo,

Unti unti daan ay namamasdan,

Langit ay unti unting ngumingiti..

Lumiliwanag ang kanyang anyo…

 

Heto na ang aking namasdan…

 

Hmmmmm….

 

Kung ako pala ay nagpasyang di tumuloy…

Hindi ko malalamang maliwanag sa dako pa roon…

Hindi ko masisilayan na may ibang anyo ang daan..

Hindi ko malalamang ako pala ay makadaraan…

 

MAPANGAHAS AKO MINSAN…

 

Ilang taon na nga ba akong nag-iisa?

Mag-isang nagtataguyod ng wasak na pamilya?

(Ngayon ko lang binitawan yaring masakit na kataga)

Mag-isang nagsisikhay, mag-isang nakikibaka?

 

Lima, anim, pitong taon?

Hmmmm…. kahit nung may kasama pa…

Pakiramdam nama’y laging nag-iisa…

Pag nahihirapan, walang haplos na nadarama…

 

Sa pagdaan ng panahon, ang puso ay tumigas…

Ayaw nang tumibok…

Sa pagdaan ng panahon, utak ay natulog…

Ayaw nang mag-isip…

 

Ngunit talaga atang ako’y sadyang mapangahas….

Kahit ilang pagkasubsob sa hamon ng buhay…

Pilit bumabangon…

Kahit ilang beses nasasaktan at napaglalangan…

Pilit umuulit…

 

Nagbabakasakali na sa muling pagsubok,

Nagbabakasakali na sa muling pagsugod,

May liwanag ding makikita, tulad ng daang aking tinahak kanina…

May pag-asang lumigaya, tulad ng pagngiti ng langit at paghawi ng ulap…

 

NAGBABAKASAKALI…

Ngunit tila kaligayahan para sa tulad ko ay kay-ilap…

Taimtim na dasal….

Sa paglipas muli ng panahon…

May mga bisig nawa sa akin ay yayakap….

Dahil lubha man akong mapangahas…

Ako ay babae ring mahina…

Hindi  talaga ako ganun katatag….

Kailangan lang magpanggap…

Gusto ko ring may kasama sa tuwina…

May kasamang nagpapasya,

May kasamang bumubuo ng pangarap…

May nasasabihan ng pag-aalala…

May nagsasabing, “Mahal na mahal kita”… (Sigh Sigh Sigh)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Balatkayo

Akin itong binalikan, nai-post na nang may kaunting katagalan na rin…

Dahil ang origihal na may-akda ay nagpasya nang ilatag ang kanyang kathang matagal nang nakaimbak…

akoy ay lubos na nagpapasalamat na sa aking pagsisimula bilang manunulat dito sa tambayan…

Ako ay pinahintulutang maglaro sa aking panitik gamit ang kathang malalim… upang ang aking istilo ay aking mapagtanto…. Ito naman, sa aking sariling palagay ay nagtagumpay….

Sa paglalagay ng ibang istilo, nawa’y ang anyo lamang ng katha ang nabigyan ng ibang lasa, at hindi ang kanyang nais ipakahulugan…

Matinik na Manunulat http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/06/13/balatkayo-nga-ba-ang-buhay-ng-iba/, muli salamat!

Chilledhoney's Blog

“nagigiliw sa taong mapagkumbaba, datapwat, hayagang isinusuka ang siyang mga mapagpanggap”

(sa pag-iisa ng istilo at kaisipan…mabigat na katotohanan ang matutunghayan…isang panauhing akda, matalinhagang isinulat ni 25pesocupnoodles na akin lamang isinulat muli gamit ang payak na istilo)

Isang nakakatawang palaisipan kung bakit hindi kayang tanggapin ng iba na mayroong mga bagay-bagay na hindi talaga nila maunawaan at labas sa kanilang payak na kaalaman. Silang mga mapagpanggap, sa karunungan ay mukhang salat…Silang mga duwag…ipinapasa ang sisi sa mga inosenteng nakapalibot sa kanila, upang pagtakpan ang kanilang pagkakamali.

Sa hayagang kuro-kuro at pala-palagay, hindi pa nila nararating ang kaganapan ng tinatawag na propesyonalismo… ang maging “matured” o hinog na upang manuno o humawak ng responsibilidad…handang tumanggap ng mga papuri gayun din ng pagtutuwid sa mga pagkakamali…

Mga hilaw na tagapagpatupad o tagapamuno….takot magkamali.. at lalong takot akuin ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga desisyon.

Nakakasuya at nakakasuka, sa araw-araw na…

View original post 332 more words