sa kalikutan ng isipan (ang pagbabalik)

sparkling-flowers.gifSa kalikutan ng isipan, isinaboy ang tinta ng plumang tangan,

nais kong ibahagi sa inyo, ang aking mga nararamdaman…

samu’t sari…may saya, may lungkot, may galit, may kapayapaan…

sa pagsusulat, may laya ang isipan, walang nasasagasaan,

walang nasasaktan, lumilipad, anuman ang salitang bitawan…

HALLO SA LAHAT ūüôā

Para sa mga Anak

‘Para sa mga Anak’
Paano mo mauunawaan na mahal kita, araw man o gabi?
Paano mo mauunawaan na nais ko lamang ika’y mapabuti?
Paano ko maipapaunawa na ako’y tagapagtanggol na itinalaga?
Paano ko maipapaunawa na buhay mo’y napakahalaga?

Dibdib ko’y¬† binibiyak sa t’wing di ka pumapasok sa eskwela,
Di mo batid na upang ika’y makatawid, di¬† baleng kalyuhin na,
Di mo batid, lahat ng gabi ay araw para sa akin,
Lalo pa at ako’y ina sa iyo at ako’y¬† iyong ama na rin…

Sa pagbuhos nitong mga luha, nalamukos na ang aking mukha,
Tulad ng isang manlalarong ang pag asa’y nawala,
Pangarap para sa anak ay tila lumipad na sa kawalan,
Tila nilulukob¬† ng itim na ulap ang mundong kinagisnan…

Anak, sana sa oras na ito ay iyong mabasa,
Mauunawaan mo ang samo ng iyong ina,
Na walang ibang hinangad kundi ikaw ay mapasaya,
Na bago ako pumanaw, buhay mo’y maging maligaya…

Mapalad ang mga magulang na may sukli sa puhunan,
Puhunang pagmamahal, di makukuha sa tindahan,
Bagkus sa puso ito ay matatagpuan,
Mula ng ika’y isinilang, dito na ito nanahan.

Kausapin mo ako

Kausapin mo ako…
Minsan ang pinakamahirap gawin ay ang maghanap ng kausap. Yung kaya kang pakinggan nang di naiinis, yung kaya kang unawain sa magulong takbo ng utak mo.
Minsan, kailangan lang ng may makinig kasi parang adobe sa bigat ang nakapatong sa dibdib mo na alam mong sobra lang ang pag iisip mo, na  kung may makikinig, gumagaan at mas madaling harapin.
Minsan kailangan lang ng magandang boses na naglalambing para utak ay kumalma, para puso ay mapanatag. Boses na di mo man makita ang may ari, alam mong totoong naglalaan ng panahon para makinig.
Minsan wala kang ibang magawa kundi ang humarap sa salamin at makita kung gaano kamiserable ang sarili para lang magising sa katotohanang ikaw lang ang din ang  may kagagawan ng iyong kalungkutan. Walang iba. Ikaw lang.
Sarili sa sarili… “Kausapin mo ako”

Feelings

Everytime I say the words, “I love you “, my heart feels the heavy pounding, tears streaming from my eyes, and my body yearns to feel your warmth…. With that I know, i can withstand all storms, win all battles… And as long as I am feeling all the emotions, the joy and the pain,¬† I know I am deeply in love… That actually makes me alive and hopeful.

Bigat ng Saloobin

Sa mundong madilim, kayraming suliranin,
Isipa’y pakawalan, malayang paliparin,
Tanikala’y alisin, pasamahin sa hangin,
Upang pumayapa, kaluluwa’y palayain…

Ano ang dulot,  masalimuot na damdamin?
Bumibigat ng tunay, kayhirap pasanin,
Tila sementong nabuo, sinusubukang buhatin,
Tagas na ang pawis, hindi kayang angatin…

Pangakong mahalaga, napako na nga bang talaga?
Dumudurog ng puso, tila nabulok na bunga,
Pilit inaaninag,  kulay  ba ay nariyan pa?
Wala na nga bang makita, o nabubulag na ba?

Balon ng luha, umaapaw na naman,
Kayraming papel na dapat gampanan,
Ibat ibang hangarin,  naiiwang luhaan,
Tila basa sa ulan, parang natalo sa digmaan..

Thru the Eyes of an Angel

With  the  heavy weight on your shoulders,
With all the crosses you have to bear,
Think of how a child enjoys smelling a flower,
Think of how a child enjoys running on water.
When the road becomes hard and rough,
When the storms becomes strong and tough,
Think of how a child marvels with drops of rain,
Think of how a child gets amazed with a passing train…
When all hopes are broken and shattered
When the heart, mind,  soul get battered,
Think of how a child  smiles with a simple praise,
Think of how a child can warmly caress your face.
With whatever test  that comes our way,
Sometimes its just wisest to rest, pray and play,
Be like the child we were, so happy and pure,
See life thru the eyes of an angel, you will endure..

Upuang Hiram

Sa isang sasakyang ikaw ay nakikisakay lamang, huwag mangarap na ikaw ay may takdang kalalagyan. Hindi sa iyo ang upuan, hindi nakaukit ang iyong pangalan. Hindi ito sa iyo,¬† wala kang karapatan,¬† magpakaylan man….

Kumakawala

Kumakawala
Minsan kahit sa higpit ng hawak,
Yaring kamay dumudulas, bumabagsak,
Minsan, di na kaya ang bigat,
Sa hibla na lang, pilit nakalapat…

Minsan kahit na sa iyong pag iingat,
Nahahatak pa rin yaring mga ugat,
Iyong pinipigilan, pilit pumapalag,
Kung di sa higpit, maaring malaglag…

LAGASLAS

Sa tagong bukal, lagaslas kaylakas,

Buhay na malaya, siyang mababakas,

Mahabang lakarin, pawis ay tagas,

Ngunit nadatnan, ganda ay wagas…

tinipak underground spring

Kaylinis ng tubig, kaylamig ng hangin,

Hatid ay saya, sa isip at damdamin,

Malamyos na tinig, kaysararap pakinggan,

Agos nagsasayaw, sadyang kainaman!

Hurrrrrrttttttttt

Strong and hard, oh the pain!
Tried all cure, all in vain,
Tears all flowing, parts go aching,
Poor poor heart, all a-burning!

Seeking comfort, seeking peace,
Why can’t, why not? be at easy ease?
Why all these sharps, keep pouring in,
Why not remove this hurting pin?

Bladag! Bladag against the room!
Boom and Boom! Grenades kaboom!
Deaf to the sound, blind to the sight,
Paralyzed from top, no move though might…

Hurt and hurt, pretend to win,
Cry and cry, smile between,
Yin and yang, balance be,
Will be ‘me’ without the ‘we’…

Ina Notes

Mahirap na masaya, maging isang ina,
Naroong may mga araw,  nangungunsumi ka,
Naroong nais mong sumigaw,  pagod ka na,
Sa isang banda, madalas araw ay puno ng saya.

Yakap na kay higpit, puso’y tumatalon, 
Pagtawag ng “mama”, damdamin umaalon,
Sapat nang bala, laban sa maghapon,
Tunay na kasangga, anumang panahon…

Ako’y isang Ina, nag iisa mang lumalaban,
Lakas ko, mga anak pinanggagalingan,
Simpleng hain, pinagkakasyahan,
Walang katulad, buhay ang laan…

Payak na kaligayahan, sa puso’y naroon,
Hindi man palagi, merong panahon,
Maikling buhay, talagang ganoon,
Sulong lang, bangon nang bangon…

%d bloggers like this: