Monthly Archives: July 2012

Nagulo…

Nagulo…

Nalito,

Anyare dito?

Ba’t may ganito?

Sigh….

May tanong ako…

Anyare dito?

Ba’t may ganito?

Sigh…

Anyare dito?

Ba’t nagulo?

Nalito…

 

Diyosang Huwad….

(Mag-ingat sa kawala ng mga salita, ang langit ay maaring magwala)

Hmmmmp! Bakit ganyan ka magsalita?

Dahil ba ikaw ay mayaman at sila’y dukha?

Grabe naman ang iyong panlalait,

Tila iba’y walang tamang sambit…

Bakit ka ba galit na galit sa mahihirap?

Di ka rin ba kumakain ng alamang at sapsap?

Bakit mukha kang dolyar, yuan, pounds at peso?

Di mo ba naiisip na di ito kailangan sa Paraiso?

Napakaganda at napakagara mo,

Ikaw ay diyosa sa paningin ng mga tao,

Ngunit di nila alam ang loob mo’y mabaho,

Umaalingasaw, masangsang, tulad ng pusali sa kanto…

Gusto kitang sagutin sa iyong pagmumura,

Ikaw lang ba ang may karapatang mambuska?

Kami ay tahimik lamang na nakikinig,

Sa pag-iingay mong tulad ng sa kuliglig…

Nagpupuyos man ang aming damdamin,

Dahil matanda ka, di ka sasalubungin,

Kakalungkot lamang sa iyong pagtanda,

Wala ka palang naipong amor sa mga dukha…

Lagi mong sinasabing tulungan ang mga mahihirap,

Dahil sila ay salat sa lahat ng bagay na masarap,

Pero bakit ngayon ang iyong dila ay kaytalas,

Bastos at mapangahas na nananalastas…..

Patawarin ka ng Diyos sa iyong masamang ugali,

Diyosang huwad, nawa’y maghunos-dili,

May nakamasid, mga anghel magpapatotoo,

Pintuan ng langit, tiyak sa iyo’y isasarado….

Li’l Mousy, Oh I See…

(Run away li’l mouse, come over here….Is it right, is it fair? Hell, I don’t really care…)

Li’l mouse, li’l mouse, is that you I see?

Peeping , blinking back at me?

Are you lonely, are you gay?

Will you be running, all through the day?

Naughty mouse, naughty mouse,

Is that you runnin’ round my house?

Come and nibble at this cheese,

You will blush, will say, “Jeezze!”

Run away, come back to me,

Just be happy, just be free,

I’ll be peeking through the hole,

Cheese abound, I’ll see who stole…

Squeaky, squeaky little mousy rat,

Go, outrun the kitty cat,

Keep the cheese,  keep the chase,

Don’t mind the eyes, all ablaze…

Sigh and sigh, we have reached,

Farthest run, all are breached,

Keep my hand, in your hand,

Let us burrow through the sand…

🙂

(walang pamagat)

Walang maisulat,

Kung kaya’t walang pamagat…

Walang maapuhap,

Nakatago sa ulap…

Isip, sumisinghap-singhap,

Kataga, pilit hinahanap…

Pwede bang pumito,

Upang magkakwento?…

Pwede bang tumakbo,

Upang mailathala rito?

Pwede bang ngumiti,

Upang magkasipi?

Pwede bang umayon,

Upang magkalayon?

Pwedeng bang tumipa,

Mula sa alaala?

Wala nang maisulat,

Kung kaya’t walang pamagat…

I came, U saw, WE conquered…

(Love is truly amazing…double click and you will see)

Like a thief in the night, peeping in,

Sneaking through the bushes, love came in,

Unannounced, unexpected, uninvited,

But sat down on the couch, quite elated.

I came, U saw, WE conquered,

Life has changed, things got bothered,

High on emotions like high on drugs,

Seems like heaven came down with bugs…

I came in and out of the virtual door,

U saw me, we danced on the floor,

When love came, we conquered all,

Had to surrender, had to take the fall.

Love like music, it gently sways,

Lovers in their many ways,

Too weak to stop, had to go,

Had to feel and had to show….

When love is true, it brightens the hue,

It smiles with you, takes out the blue,

When love truly cares, it tells the hares,

Jump in my dear, never mind the stares…

When love is felt, like butter you will melt,

Fortress down,  even if strongly built,

What a lovely feeling love can bring,

Out of tune maybe, you begin to sing…

When love is a gift, from heaven I see,

It conquers U, it conquers ME,

The “I” and “U” becomes “WE”

The “WE” will pledge love for all eternity….

Mapagsamantala…

(Pansin ko lamang, ang mga magnanakaw at manlilinlang sa makabagong panahon ay nakapustura na, “ANYARE”?)

Tila nga yata nag-iba na ang ating panahon,

Masasamang-loob, suot ay magarang pantalon,

Japorms at de pomada, ang bango-bango nila,

Di mo talaga akalaing ito’y mga mapagsamantala.

Nakabibighaning mga salita, akala mo ay santo,

Minsang nakikinig, minsa’y nakakahilo,

Mabulaklak na mga salita, alam kung saan patungo,

Tama sa isip, kuha ng tiwala, paligaya ng puso…

Mapagkunwari, duwag, o manggagantso?

Kasama sa paglalarawan ng makabagong Pilipino?

Anong nangyari sa mga pangakong pagbabago?

Naligaw na rin ba sa basurang paraiso?

Kayhirap mapagtanto kung bakit nagkaganito,

Kung kailan naman gumanda ang ating estado,

Kasabay na lumutang itong mga sira-ulo,

Dala ay kasiraan sa buhay, pagkagulo-gulo.

Ito ay hamon sa ating mga namumuno,

Halina’t tugisin, mga kalaban ni San Pedro,

Hanapin ang basura sa tambakan ng ginto,

Huwag pabayaan, bantayan ang pinto…

May isa lamang babala sa mga nakaupo,

Ang inyong tungkulin, kasamaan ay igupo,

Hindi kayo nariyan upang sarili’y bigyang ligaya,

Kaban ng yaman ay nararapat para sa masa.

Dinggin ang sigaw ng bulong na mahina,

Sa isang sulok, ito’y gumagawa ng tula,

Lambing ng kataga, tigas ng paninindigan,

May tapang man din, aklas kung kinakailangan…

Tulay…

(minsan mangahas humakbang upang makarating sa nais patunguhan)

Tatawid sa tulay na nag-uugnay sa dalawang bukid,

Iniisip, kaya kayang lakarin, matibay kaya ang mga lubid?

Pagtingin sa ilalim, nakita ang mga bato at rumaragasang tubig,

Biglang natakot, baka mahulog, balahibo’y napahumindig…

Pwedeng tumakbong palayo, huwag nang tumuloy,

Nangangambang baka mahulog, sa ilalim tuloy-tuloy,

Ngunit ang hanap na liwanag ay nasa kabilang ibayo,

Kailangang maglakad, nanginginig man ang mga buto,

Nilingon ang pinanggalinan, may nakangiting nakatanaw,

Nanghahalinang bumalik, pinatutunog ang batingaw,

Ngunit ang puso at isip ay tila nagtatalo,

Susulong o babalik, sumasakit na ang ulo…

Hinawakan ang lubid, isang kapit na mahigpit,

Habang humahakbang, tulay ay lumalaginit,

Nakapikit ang mga mata, dasal ay hanggang langit,

“Huwag sanang mapatid,  lubid na ako’y nakakapit”…

Unti-unti, lubhang mahirap, hakbang ay pinipilit,

Kailangang lumayo, lumingon huwag umulit,

Umasang sa kabilang ibayo, may yakap na sasalo,

Sa isang nilalang, takot ay mula paa hanggang ulo…

Pagtagumpay sa layong makatawid,

Buntung-hininga, di mapatid-patid,

Nakakawala na sa lugal na madilim,

Nakangiti, nakahinga na rin ng malalim…

He Whispered…

(Success in meditation comes from staring at the cool shower of rain outside then watching the skies transform as the sun smiles immediately after… )

SUNDAY…

God’s day,

Family day,

Rest day…

Looking at the heavens,

I felt God’s loving stare,

“How are you doing child?”

His whisper, I could hear…

I tried to look away,

As I don’t know what to say,

I am sure He knows, He would know

If I fabricate a lie, or maybe two.

“It’s alright Child, look at Me,

I am here, I have been, will always be,

Now tell me, what it is you feel and see,

Confusing and hurting as it maybe…”

I did try to break a smile,

I don’t want God to see me cry,

I want Him feel, it’s Him I love,

And not this cause of pain I have inside…

But truly, one cannot hide,

I have to face God, have to confide,

After all it’s me who carelessly jumped,

It’s me who did not avoid the hump…

I slowly fixed my eyes,

At the Light that shines on me,

Glaring as it may seem,

Renewing it is to me.

I told God, “I am very sorry,

I was always pushing for what I want,

I refused to hear  Your caring voice,

It could have changed my twisted choice”…

I know when love is pure,

It takes over, it would endure,

I wish I had that Oh, Lord,

And say, “to have and to hold”…

Tricky, tricky is this world,

Some people are just so bold,

Why do others play with emotions?

Are they just after the thrill of sensations?

I am sorry, I had to break free,

Can’t anymore stay as I said I would be,

Retain I must, the remaining “me”,

Who just  got lost in this deep blue sea…

Will I be brave, will I endure?

I know so well, I am not sure,

But try I must and try I may,

My wailing sanity has to stay.

I found myself in an embrace,

In God’s truly loving grace,

I know I will still endlessly cry,

With this decision to say goodbye…

Still in my heart:

Ni shi yi ge hen bang de nan ren

Aves de Rapiña (Birds of Prey) “mene, mene, thekel, upharsin”

May isang awitin na sa akin ay nakatawag pansin. Ang “Aves de Rapiña”. Napakaganda ng bagsak, ng melody at ng lyrics. Pansin ko ay napagkit. Sana basahin ninyo itong post na ito. Isa sa pinakamakabuluhang post na ginawa ko. Ingat lang, MAANGHANG ang pananaw.

Nagtataka kung bakit ganito pa rin ang Pilipinas?

Nasa kalawakan ang mga Aves de Rapiña (Birds of Prey), nasa lupa ang mga halimaw, nasa tubig ang mga buwaya.

Isang malaking gubat. May mga mandirigmang anghel na nakatanaw, pilit na binabantayan ang luntian at maliwanag na bahagi nito. Pinapanatili ang kaayusan at kapayapaan nitong nakatagong paraiso. Ngunit sadyang marami ang halimaw sa lupa, mga buwaya sa tubig at mga Aves de Rapiña  sa kalawakan. Mahirap sugpuin. Hindi madaling talunin. Mababangis. Kaybibilis, mahirap matugis. Madudulas, umaalpas.

Isang katotohanang napakasakit tanggapin.

Ang mga mahihina ay nasa mga sulok, nakasiksik, nagtatago, takot lumantad. Pinagsasaluhan ang kung anong nakatabi. Nagkakasya nang mga katawan ay magdikit dikit sa maliit na espasyo upang init ay madama. Nagkakasya na rin sa pasilip silip. Hindi magawang sumugod na kadalasan, mistulang isang pagpapatiwakal kung isusulong. Hindi dahil sa kawalan ng kakayahan kundi dahil sadyang malalaki ang mga halimaw, gahaman at sakim ang mga buwaya at mabibilis na mandaragit ang mga Aves de Rapiña.

Saan ka susuling sa kagubatang ito?

Marami ang nakaabang, sa lupa, sa tubig at sa kalawakan? Hindi maiiwasang minsan ang mga mahihina ay sumasabay na lamang sa dikta ng mga halimaw na may nabubulok na kalooban.

Kalungkutan. Napapansin, namamasdan ngunit paisa-isa ang paglaban. Hindi mananalo, wari ko kung ganito. Mahina ang isa, dapat karamihan. May lakas kung nagbubuklod. Mapapalis kung mag-isang susugod.

Isusubo na lang, aagawin pa ng mga Aves de Rapiña. Magtago man, natutunton pa rin. Matalas ang paningin, malakas ang pakiramdam. Naghihintay na lumantad ang mahihinang nilalang. Magpipista sa matutumbang katawan. Mabilis na bubulusok at mandaragit ng mga biktimang walang kahandaan.

Kabuhayan ninanakaw ng mga buwaya. Tuwang tuwa sa nahahakot nila. “Ang akin ay akin, ang iyo ay akin pa rin.” Malakas tumawa, labas ang baga at ngala-ngala. Akala sila ay nakakatuwa, para sa karamihan, sila ay nakaka-adwa at dapa itatwa. Tama bang karamihan ay walang magawa, kundi ang makitawang may pagbabalatkayo?

Nagdidiwang ang mga halimaw na nakakalat sa mga bulu bulundukin. Sinasakop ang lahat ng matanaw. Tahanang tahimik magugulo, mawawalan ng karapatan. Walang kamalayan sa kasalanan, makukulong sa isang kuwebang madilim.

Mga kaawa-awang nilalang. Nakatanghod, nag-aabang. May mga mandirigmang anghel bang darating? Natapos na kaya silang maghasa ng kanilang mga ginto at makamandag na palaso? Ang tagal naman nilang dumating! Ang paraiso ay nagmimistula nang isang libingan, ang lupa ay nagmimistula nang kumunoy, ang kalawakan ay nababalutan na ng kadiliman.

Kagandahan ng paraiso ay di na masilayan. Ang daming hunyango. Di na maintindihan kung sino ang sino, ano ang ano. Nakakatakot lumabas, di alam ang makakasalamuha. Maaring buhay ay magwakas.

Nanalig pa rin, ang mga maya, ang mga pipit, ang mga maliliit… mandirigmang anghel, magiting na pupuksain itong mga kampon  ng dilim na inaangkin ang kabuuan ng kagubatan.

Mga halimaw sa turing. Ang katulad nila’y lilipas din…

 “mene, mene, thekel, upharsin” – Biblical text, from the book of Daniel.

“your days are numbered, you have been weighed and found wanting. your kingdom will be divided.”

(Pagpupugay sa grupong ASIN, who originally released Aves de Rapiña (Birds of Prey) at sa Grupong Pendong , who did this song cover.)