Daily Archives: June 15, 2012

S….really do happen…

(Kapag nagkawindang windang na, kapag gumuho ang mundo, kapag bumagsak ang langit, kapag hinagupit ka na ng latigo, kapag lahat ay akala mo walang nang pag-asa, kapag ibinasura ka ng mahal mo, kapag pakiramdam mo isinusuka ka ng ibang tao, kapag desisyon mo ay nakasakit sa iyo at sa ibang tao, kapag ang mga matsing sa paligid mo ay pinaglalangan ka, kapag ang mga hunyango ay nagbalatkayo na naman, kapag umani ka ng ala-machine gun na sermon dahil palpak ang iyong gawa, kapag wala kang ni sentimo sa bulsa, kapag lahat ng akala mo iyo ay biglang naglaho, kapag ang pakiramdam mo, lahat ng gawin mo ay mali… kapag wala nang pumapansin o nakikinig sa iyo….   “S…… DEFINITELY HAPPENS”)

S… really do happen…

When S…. happens…. it doesn’t mean you are fully covered by it…
Stand up, clean yourself, move on…

When S… happens…It means we failed, or people around us failed
Stand up, look back and learn, move on…

When S… happens… it tells us we are already thinking S….
Stand up…think straight…move on

S… really do happen but we wont allow S… to eat us alive…. di ba?

Punang-tugon kay Tomas sa pahina ni Cupnoodles : CRAZINESS

Ano man ang dahilan

“Ano man ang iyong dahilan sa di pagtupad sa usapan…

Pagtatagpo ay mukhang nalimutan…

Andito lang ako…nanatiling para sa iyo…”

 

“Ano man ang dahilan ng di pagpaparamdam,

Isipan ay mukhang may ibang pinagkakalibangan…

Andito lang ako, alam kong  hawak ko ang puso mo…”

 

BOOM sa umagang nag-iisa!  Wala lang...^_^

 

Sa Loob ng Aking Silid…

(Sa pag-ikot ng paningin sa loob ng silid, tingnan ang lahat ng mahalaga…maliit man o malaki…ngumiti)

Tahimik ang gabi, tulog na ang lahat…

Tsk, tsk, ayaw akong dalawin ng antok…

Kahit pagal ang katawan sa biyahe…

Kahit nasuya na sa maghapong paggamit ng utak…

Piniling ayusin ang mga unan upang likod ay ilapat…

Pumuwesto na may kaginhawaan, bumuntunghininga…

Kinuha ang laptop at sinimulan ang pagtakatak…

Ano ba ang magandang tema ngayon?

Ayoko muna ng usaping puso ,

Baka naman ang nakakabasa ay di na natutuwa,

Baka sa pag-aakalang panulat ay nakakaaliw,

Ito ay nakakasuya na pala..

Hmmmm…. ayokong mangyari iyon…

Lahat ng katha ay bugso ng damdamin…

Totoo, walang pagkukunwari,

Walang halong pagsisinungaling…

Kaya ngayon ako ay magninilay…

Inikot ang mata dito sa aking silid…

May mga bagay na nakita…

Nagbibigay puwang sa pagbabalik tanaw…

Nagpapaalala ng aking makulay na buhay…

Ang kulay ng dingding ay Peach…

Hindi alam dati  na  ito ang kulay ng mga alakdan sa Rizal

(Gamma Sigma Scorpions Peach Chapter)

Bago pa man ako rin ay naging kasapi,

Paborito ko na  talaga ang kulay na ito…

Nagpapaalaala na ako ay di rin ordinaryo…

Na ako rin pala ay kayang tumanggap ng hagupit,

At sa huli kaya kong buong pusong kumapit…

Malamig ang Peach sa mata…

Mayapa ang haplos sa aking diwa…

At dahil ang Peach ay international color for nurses,

Swak na swak talaga ako…dahil nga ako ay NARS…

Nagpapaalala na ako ay dapat nagsisilbi

Ngangangalaga nang may T-L-C,

“Tender Love and Care”

Ang orasang kulay Green

Madalas,  ito ang aking laging hinahanap

Pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi…

Glossy green ito, kakulay ng kurtina ko…

Upang  sa aking pagsilip ng oras,

At sa aking pagtingin sa kawalan,

Mata at isipang pagod

Magkaroon ng kaunting kapahingahan…

Ang Cabinet na Dark Brown

Dark Brown kasi ito ay nagpapaalala ng aking katatagan..

Ito rin ang naglalaman ng aking mga baro,

Ang mga telang tinahi at dinesenyo

Na ang layon ay ako ay mas maging maganda

Kung ito ay  ilalapat na sa aking katawan…

Naglalaman din ito ng mga malilit na bagay na mahalaga…

Mga bagay na ayaw kong mawala…

Mga bagay na malapit sa aking puso…

Mga bagay na ayaw mawalay sa alaala…

Ang pintuang Caramel Brown…

Ang kulay ay magaan, nakakaginhawang tingnan

Nagpapaalaala ng aking malambot na parte ng katauhan,

…ng kaisipang magaan at palipad lipad minsan…

Ang pinto  rin ay nagsisilbing paalaala

Na sa aking buhay,

May mga dapat papasukin,

May nararapat pagsarhan,

Na sa aking pagpapasya,

May dapat panghawakan,

May dapat ipagparaya,

Na sa aking pakikibaka

May dapat ipaglaban,

May dapat nang hayaan

Na sa aking pagmamahal,

May dapat ilagay sa kaibuturan,

May dapat  nang bitawan…

Ang aking Kumot na Rose Pink

Malambot, mabango, kulay ay maligaya

Ito ang nagbibigay sa akin ng init

Sa gabing madalas ay malamig,

Ito ang nagbibigay ng kapanatagan,

Kung nababalisa ang isipan,

Ito rin ang pumapahid ng aking luha

Kung sa sakit ako ay naghuhugas ng mata

Niyayakap ako ng mahigpit

Kung ako ay nagigipit

Sa kanya ako ay nagsusumiksik

Sa kagustuhang minsan ay manahimik…

Kumot ko ay di madamot magpadama,

Na ako ay kanyang kaisa…

Sa maraming oras na ako ay nag-iisa…

Minsan, sa aking paghiga,

Mga mata ay iginagala,

Silid ay aking sangtuwaryo,

Aking sarili dito ay pribado.

Malaya ang isipang magkaroon ng kapayapaan,

Malaya itong lumipad at mangarap,

Malaya ang pusong makiramdam sa damdamin,

Malaya itong kumawala at maipadama din…

Malaya ang katawang magkaroon ng pahinga,

Malaya ang aking pagbuntung hininga…

Sa loob ng aking silid,

Ako ay may kapayapaan sa sarili,

Sa kanyang pagpinid,

Ako ay naglalakbay sa mundong  pinili…

Tumakbo…ngunit mag-ingat

(tugon sa puna ni G. Manul sa aking kathang Mapangahas)
Ang gulong ng aking buhay ay kay bilis mapudpod…

Mandatory dalas ng pagpapalit, higit sa kailangan,

Sapagkat ang aking takbo ay mabilis, matulin,

Oras ay hinahabol, pagkakataon ayaw masayang…

Lubak ay di iniinda, pagputok ng gulong mukhang nagbabadya na…

Laging nakatutok sa bilis ng kabig, tiyak na pag-apak

Sa pagdaan sa mga “Humps”, pilit na nagmemenor,

Pag kalampag ng chassis ayaw madinig…

Pagdating sa SLEX o NLEX o sa Marikina-Infanta Road…

Nagiging banayad ang takbo kahit isang daan kilometro kada ora…

Kay ganda kasi ng daan, walang kalubak-lubak…

Ninamnam ang kalayaang humawak sa manibela at kontrolin ang takbo ayon sa gusto…

Buhay ay ganyan, dumadaan sa maganda at di kagandahang kalsada…

Ngunit kung sa patutunguhan ay nag-aantay ang mabangong hapunan at malambot na higaan…

Bakit iindahin ang hirap na mararanasan?

Takbo ng takbo… anumang bilis at lubak, ikaw ay mag-ingat…

Sa paghimay ng bawat titik, salita, at parirala…

 

Sa paghimay ng bawat titik, salita, at parirala,
Sa ating pag-unawa ng bawat kataga,
Ito ay nagbibigay sa atin ng bagong kamalayan,
Ito ay nag-bibigay diin sa nais pakahalagahan…

At mula titik patungo sa kanyang banyuhay bilang talata
Sinta ay nakakapagharana..
Ina ay nakakapagbigay paalala,
Anak ay nakakapaglambing…
Pari ay nakakapaglitanya…
Guro ay nakakapagturo..

Sa makatuwid…
Tayo ay nakakapagbigay kuro kuro at puna…
Laway ay di napapanis, tayo ay nakakapagbigay haka-haka…

Sa makatuwid…
Sa bawat palitan, kaisipa’y lumalawak, utak ay umuunlad…
Sa kalaunan… ating kaalaman ay matayog ang lipad…