Daily Archives: June 17, 2012

Sila…na walang malay

(The heart bleeds as it watches the angels sleep)

 

Heto na naman ako at nakatitig sa kanila…

Minamasdan bawat paghinga…

Matatapos na ang Araw ng mga Ama…

Hindi nakapagdiwang kasama nila…

 

Ayoko  isiping ipinagkait ko ito sa kanila…

Ang pasya ay pasya pa rin…

Ang nagyari ay nangyari na…

Ayaw ko lamang ipaalala…

 

Baka maghapong kasiyahan ay mawala…

Hahayaan na lamang na di namalayan…

Mas masakit kung malamang di sila naalala…

Sa mga araw na dapat sila ay may tinatawag na ama…

 

Halakhak nila kanina ay napakalutong…kaligayahan ng musmos…

Darating ang pahanon, sila na ay magtatanong..sigh

Hiling sa Diyos, ako ay maging handa…

Tani nagpauli dayon… (Sana umuwi agad)

 “Love and honor thy parents, while they are in thy midst…”

Sa diin ka makadto?

(Saan ka pupunta?)

dira lang sa pihak….adtunan ko si tatay

(Diyan lang sa kabila, pupuntahan ko si  Tatay)

Sa diin ka makadto?

(Saan ka pupunta?)

dira lang sa pihak, adtunan ko si nanay

(Diyan lang sa kabila, pupuntahan ko si Nanay)

 Nga-a ginapangita mo sila?
(Bakit mo sila hinahanap?)

Dugay na ako gid waay kapauli…abaw, daw nahidlaw man ako sa ila…

(Matagal na akong di nakakauwi, naku, namiss ko talaga sila)

Nga-a ginapangita mo sila?

(Bakit mo sila hinahanap?)
Ambot ah…daw gusto ko lang isayagit nga palangga ko sila kaayo…

(Ewan ko ba, para lang gusto kong isigaw na mahal ko sila talaga)

Ti nagbalik ka man dayon?

(O, bakit nagbalik ka agad?)

Waay na to si Tatay, dugay na gali mapatay…di ako makontak, waay may nagkuon kanakon, sobra ako gid kasubo subong…

(Wala na doon si Tatay, matagal nang pumanaw, di nila ako makontak, walang nagsabi sa akin, sobra ang aking kalungkutan ngayon…)

Ti nagbalik k man dayon?

(O, bakit nagbalik ka agad?)

Hindi na ako madumduman ni nanay,  tigulang na gid kaayo…nalipatan na nya ngalan ko…sobra sakit sang dughan ko…hayyy…. kaina pa ako gahibi….

(Hindi na ako maalala ni Nanay, matanda na talaga, nakalimutan na niya ang pangalan ko, sobra ang sakit ng dibdib ko, haay, kanina pa ako umiiyak)

Tani nag-uli  ako dayon…

(Sana umuwi na lang ako agad…)

(Isang pagpapaunlak sa kahilingan ni 25pesocupnoodles na gumawa ng akda sa Ilonggo)

TakaTak nang TakaTak…

(One of the best interventions to address anxiety is to allow the person communicate his/ her feelings, while the other party listens intently…I have discovered however, that verbalizing can be alternated with writing…it has the same calming effect on the nerves…) 

 

Takatak nang takatak…

Parang musikang tumatatak…

Kay sarap pakinggan lalo na’t nalulumbay…

Sa agos ng kataga, ito’y nag-aantay…

 

Takatak nang takatak…

Mga ideya sa isip ay hinahatak…

Pilit binubuo, upang magkaroon ng anyo…

Pilit inihuhuho, upang ito ay tumabo…

 

Takatak nang takatak…

Damdaming pilit bumubulwak…

Sa mga pangungusap, ito ay inilalapat…

Sa bawat takatak, lungkot ay naaampat…

 

Takatak na lang ng takatak….

 

 

Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka…

(mabigat sa loob na makitang nasasaktan ang Ina, buti na lang may WP, mas pinili ko ang tumipa kasya magsalita, napalipas ko ang bugso ng kanyang damdamin… mas malinaw ang isip at puso sa paglutas ng mga suliranin…)

 

Nasasaktan ako dahil boses mo ay mataas na…

Nasasaktan ako na nakasimangot ka…

Nasasaktan ako ngayon kasi alam kong nasasaktan ka…

Nasasaktan ako dahil mas pinili kong di magsalita….

 

Galit ka sa akin, dahil akala mo payo ay pinakikinggan…

Galit ka dahil akala mo kita ay pinaglilihiman…

Kinukuwestiyon mo ang aking mga hakbang…

Aking mga maling desisyon, iyong pinagmamaktulan…

 

Binabalik-balikan mo ang aking mga desisyong di tama…

Parang ang balon ng isipin ay iyong hinahalukay…

Ina, huwag mag-alala, sa aking bawat pagkadapa…

Nagpipilit na di na maulit, ako ay natututo sa buhay…

 

Hindi ako naghihinanakit sa iyo Ina,  kailanma’y hindi,

Alam kong kaya ka lamang ganyan dahil ako ay iyong mahal,

Alam kong ang iyong nais lamang ay ang aking kabutihan…

 

Ngunit Ina, di lahat ng aspeto ng buhay ko ay aking kontrolado…

May mga bagay na nangyayari na di ko rin maintindihan…

May mga taong nagsasamantala sa aking kabutihan…

May mga taong walang pakiaalam basta sila ay nakapakinabang…

 

Nagagalit ka sa aking patuloy na pagbibigay sa mga taong sa akin ay nagkakautang…

Hindi ko naman sila kayang pigain kung talagang walang mapagkukunan…

Nagagalit ka dahil ang aking mga suliranin ay aking sinasarili….

Kaya pa, ayokong ikaw ay maapektuhan kung kaya’t di nagsasabi…

 

Ina, bati na tayo ha? Yakap ko ay iyong damhin…

Sa bawat pagkalugmok, aking taimtim na hiling,

Hawakan mo lang ako, basta hawakan lamang…

Huwag bitawan, sapagkat ikaw pa rin ang aking sandalan…

 

 

Kuwento ng Sundalo

ISANG PAGPUPUGAY SA AKING AMA, HAPPY FATHER’S DAY PAPA! Mahal na mahal ka namin!

Chilledhoney's Blog

Once in our lives we encounter great works, works that can greatly influence who we are, what we are and what we will be. Works that will inspire us to go on and face all of life’s challenges head on.

Works that will help us find our inner PEACE…

A special person shared with me something to read and compare my life against… I was and I will always be thankful…the lessons I will gain will never be erased…till I draw my last breath of life…

Let me extract great advices and realizations from the book and let me try to have a simple analogy to the lives we live…

Life lesson 1:

…”The universal experience who suffer greatly is that during the times of suffering and healing, they experience a great divide between themselves and those around them”

The Vets find it easier to hug each other than hold…

View original post 1,596 more words