Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

(hanggat kayang sabihin ng tapat, pakawalan at nang wag masilat)

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Hangga’t damdamin ay di nagbabago, ako ay mananatiling nariyan…

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Hanggat sa puso mo, espasyo sa akin ay nakalaan, ako ay mananahan…

 Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

Ako ay sa iyo, kahapon, ngayon, at sa bukas kung ito ay magiging ngayon…

Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan..

Hindi ka isusuko, no way, lava ng Mayon ako man ay agusan!

 
 
(BOOM! ^_^)

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 29, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 13 Comments.

  1. 25pesocupnoodles

    naalala ko ang mt mayon. minsan ninais ko muling balikan iyon. dalawin ng malapitan, ung tipong abot kamay.

    • 25pesocupnoodles

      ang iyong tula ay may kakaibang mensahe na tanging nagkaka-intindihan lamang ang maari maka-alam. lalo ang pagsabit ng salitang mayon.

      • talaga? ang pagkagamit ng salitang Mayon ay upang makatulong sa rhyme… pero tama, kung nagkakaintindihan, nauunawaan…

        kung hindi, kahit anong ganda ng baybay, di magkakaroon ng saysay….

      • “ang iyong tula ay may kakaibang mensahe na tanging nagkaka-intindihan lamang ang maari maka-alam. lalo ang pagsabit ng salitang mayon.”

        ang slow ko talaga… ang sagot ay affirmative boss!

    • pedi mo itong balikan, habang ang kanyang nearly perfect cone ay namamasdan pa…^_^

  2. ehem ehem! sis c new or ung pasaway? hehehe!

  3. kelngan honey. kc slow ang memory ko ahihihi

  4. Manul-nulat ng Bayan

    tila panunumpa ng tapat na asawa,,kung di ako nagkakamali,,,,pero maaari rin naman ng magulang o anak o kaibigan….

    • Maaari nga, G. Manul,

      Malaya ang sinuman kung ano ang naising pakahulugan! 🙂

      Ang mahalaga, napakaganda ng mensaheng aking binitawan.

      Sa pagbibigay pahalaga ng aking pinatutuunan, ito ay kaligayahan!

      Hahahaha

      Ayun o!

just speak your mind