Daily Archives: June 12, 2012

When Life Throws Us A Snowball…Payo ng Haring ibon

Sa aking paghingi ng payo sa sinumang makakabasa ng post ko, may isang tunay na alagad ng Diyos na tumugon… ito ang kabuuhan ng kanyang payo… very spiritual at very uplifting… I was reminded that all lives have storms, not only mine…that most are still standing, alive and kicking, why shouldn’t I?  I was guided back to the ways of God…I am truly grateful…

 

“When all the senses are re-focused and directed to the pre-destined foci centre… the sudden gush of inspirations and insights will flow like a spring of purest passion from the valley of eden…

and all the worries and agony of yesterdays shall perish in the stillness of the fresh pure air that overwhelms our well being.

the new dawn awakens the spirit that dwells and long slept within…

we will see the light… that will never fade until eternity.

The eagles too… from time to time have their wings trumpled and tattered.

but they must not let the turbulent winds bring them crashing down.

they must bend their wings a little and roll over on a glide… in order to negate the downturn momentum.

this is what we must do in life as well.

When life throws us a snowball, we can simply catch the snowball and make us some ….. nicely chilled honey juice.

life is bliss”

Sa iyong paghaplos sa aking pananampalataya sa Maykapal… maraming salamat po, Haring Ibon!

Realization

(Nakatulog na, gumising na may taglay na bagong pag-asa…)

Realization:

Once in a while, I ponder at how my life goes…
I sometimes hear good news,
I sometimes find good people,
I sometimes receive great care.

But silly as I am, at times…
I set aside good news,
I ignore good people,
I repeal great care.

I succumb to my vulnerabilities…
I let my emotions consume me,
I blame no one for this misery,
I just blame myself,

I blame Me…

For not taking good care of what I have…
For not holding on to a great love…
(I hope he would still hold on)

Sometimes, I just need a sound advice…

At how I should live my life with effectiveness, efficiency, appropriateness, acceptability, and adequacy…

I think I am a very good work manager,  policies and procedures I design and implement….

Tsk tsk tsk …I just don’t know how to manage my own life, especially it has no rules…

When my psycho-intellectual capability is drowned by my psycho-emotional vulnerability…

…everything is thrown in the air,

I am left in awe of the extent of silliness I can do….

(Isa akong matalinong-bobo minsan… pagsamo ay pakinggan…sensya na, tao po lamang….^_^….)

I hate myself sometimes…

silly me…

gullible me…

I just hate myself sometimes…

for believing

for thinking

for assuming

for anticipating

for hoping

for dreaming

for being the..

…silly me…

…gullible me…

I really hate myself sometimes…

 

 

I just don’t hate myself  when I am lost in oblivion… i will doze off… so that I wont hate myself more…

 

 

 

HMMMM…paumanhin ang aking sambit…

Hmmmm….

Madilim ang langit, makapal ang ulap….

Wari’y mga mata ay gustong lumuha…

Hmmmm…

Malamig ang hangin…

Wari’y damdamin ay gustong haplusin…

Hmmmm…

Inaabangang araw ay sumilip…

Upang ang sigla ay manumbalik…

Hmmmm…

Malawak ang kalangitan….

Kasing lawak ng iyong pang-unawa

(sa aking kakulitan minsan)

Hmmmm…

Paumanhin, paumanhin, paumanhin…

Minsan, ang nagmamahal ay sadyang may kahibangan…

Alam kong nandyan ka lang,

Tahimik na nagmamasid,

Tahimik na nag-iisip…

Alam kong ako ay iyong naririnig…

At ikaw ay muling nag-iisip…

Dasal, sana patungo sa iyo  ilipad ng hangin ang aking sambit…

 

Pansamantala…

Isipang pagod ay nais ipahinga…

Itutulog ko ito muna…

Baka sakaling sa muling paggising….

Liwanag ay muling magniningning….

 

ARAW NG KALAYAAN…KALAYAANG MAY ARAW LAMANG…

Ngayon ay ARAW NG KALAYAAN…

Lahat ay nagdiriwang… sa loob ng mga gusali man o sa mga lansangan…

Sabihin na ninyong ako ay negatibong nilalang (Kill joy sa pagdiriwang)…

Ngunit matigas ang aking palagay, KALAYAAN AY MAY ARAW  lamang…

Huwag muna ninyo muna akong batuhin o barilin…

Huwag munang sintido ay pasabugin…

Hayaan ninyong ihayag ko ang aking pala-palagay at kuro-kuro…

Pagkatapos kong itipa ang haka-hakang nasa isipan at puso…

Kayo ang maging hurado… kung ako nga ay kamumuhian ninyo…

Tunay na tunay na ako naman ay lubus-lubusang sumasang-ayon…

Isang napakamahalagang araw ang Hunyo ika-labing dalawa sa ating kasaysayan…

Ito ang araw na ang ating mga ninuno ay nagdiwang…

Sa matagumpay na laban upang makamit ang kalayaan…

Ngunit sa pagtakbo ng panahon, ito pa ba ay ating ramdam?

Maaaring sa isang banda ay “OO”, mayroon naman tayong “Personal” mga gawaing buong layang nagagampanan…

…malaya kang ihayag ang iyong kaisipan

…malaya kang maglakad sa lansangan

…malaya kang nakakapagtampisaw sa ulanan

…malaya kang gumulong sa damuhan

…may laya kang makapamili ng kasintahan

…may laya kang magmahal ninumang naisin

…malaya kang bumuo ng iyong tahanan

…malaya kang pumili ng iyong kakainin

…malaya kang nakakapamili sa tindahan

… may laya kang mag-aral at maglinang ng kakayahan

… may layang magpagamot ng karamdaman

… may layang maghanap ng pagtatrabahuhan

… may laya  ka bilang isang SIMPLENG mamamayan

Ngunit sa ganang akin, ito nga ba ang lawak ng kalayaang nararapat sa iyo?

…sa iyo bang pagpapahayag ng kaisipan, ikaw ba ay natutugunan?

…sa iyong bang paglalakad sa lansangan, kaligtasan mo ba’y naiingatan?

… sa iyo bang pagtampisaw sa ulanan, ikaw ba ay ligtas sa karamdaman?

…sa iyo bang paggulong sa damuhan, ikaw ba ayi hindi masusugatan?

…sa iyo bang pagpili ng kasintahan, ikaw ba ay hindi hinuhusgahan?

…sa iyo bang pag alay ng pagmamahal, ikaw ba ay ginugusto din?

…sa iyong  pagbuo ng iyong tahanan, kayo ba ay may nakahandang uuwian?

…sa iyong pagpili ng iyong kakainin, kaya mo ba ang presyo ng bilihin?

…Sa iyong pamimili sa tindahan, bulsa ba ay may pambayad na tangan?

… Sa iyong pag-aaral at paglinang ng kakayahan, handa ka bang magsangla at mangutang?

… Sa iyong paghahanap ng trabaho, sa iyo ba ay may nakalaan?

… Sa iyong pagpagamot ng karamdaman, kaya mo bang bilhin ang lahat ng kailangan?

Muli ang aking pananaw…. Kalayaan ay may araw lamang….

Sa araw na ikaw ay payak na namumuhay,

Kung may tanim o may alagang hayop, yun ang ulam…

Walang ibang pangangailangan, walang karamdaman, walang pangarap…

Isinilang na payak, mamamatay na payak…

Ngunit ang pag-unlad ng isang bayan ay nasa paglinang kakayahan ng kanyang mga mamamayan…

Kasama ang ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan, upang sila ay maging kapaki pakinabang…

Makakamtan lamang ito kung ang ating mga namumuno ay magiging tapat at mabuting tagapag lingkod…

Binibigyang halaga ang mga bahagi ng buhay na maaring magpatingkad sa sinasabi nating kalayaan…

.. Makinig sa hinaing at daing ng mga mamamayan, tumugon gamit ang pondong laan

…Bigyang halaga ang pagsasaayos ng mga daan, ang pagtatalaga ng mga tagapangalaga ng kaligtasan

…Bigyang pansin ang kalinisan ng paligid, bara sa mga estero ay alisin, disiplina sa pagtatapon ng basura ipatupad na rin

…Luntiang paligid ay pangalagaan, huwag tapunan ng mga bubog o anumang bagay na maaring makahiwa ng balat natin

…Katayuan sa lipunan ay bigyang halaga ngunit sa magkasintahan ito ay di dapat ihusga at gawing batayan upang umangat

…Mga pabahay at palupa ay ibigay sa mga mamamayan, hindi sa iilang kamag-anak lamang…

…Magtakda  ng presyong kaya ng mga mamamayan, huwag nang maglagayan sa pondohan upang presyo ay di madagdagan

… Magbigay ng libre at de-kalidad na edukasyon sa ating mga kabataan, kayang kaya ito ng ating kaban ng yaman, kundi lang walang patumanggang binabawasan upang bigyang hilig ang mga pampersonal na luho at pangangailangan ng ibang nanunungkulan…

… Maglaan ng  sapat na pagkakataon upang makapaghanap buhay si Juan, patas ang batayan, walang kurakutan sa mga dadaanan upang negosyo ay mapahintulutan o ang mga kailangan sa pagiging empleyado ay matugunan…

… Maglaan ng ng libreng pangangalaga sa kalusugan, ang bansa naman natin ay may kakayahan, huwag lamang ibulsa ang pondo ng mga pagamutan…

Ayan, tapos na ako sa aking pagbabalangkas ng aking kaisipan…

Nasa sa inyo na kung ako ay inyong malupit na huhusgahan…

Nagsasabi lamang ako ng katotohanan, pawang katotohanan lamang…

So help me God…

Makabuluhang Pag-iisip sa Tinig at Kalagayan ni Juan de La Cruz

Tugon sa puna ng isang kaibigan, si J. Kulisap, sa aking kathang :

km3-tinig-isigaw-isatitik-bigyang-laya-ang-tinig-ni-juan-de-la-cruz

Isang paglalarawang intelektual at makatotohanan…

Tunay na tunay, at nakakalungkot isiping, ang lahat ng mga nangyayari sa paligid natin ay may manang maituturing…

Mayroong mabuti, mayroong masama… mayroong mali, mayroong tama…

Ugali at gawi, kung mabuti ay nakikita sa supling…kung masama ay sumisingaw pa rin…

Kung ano ang nakikita ng bagong sibol, aakalain nitong ito ay gawing maaring isabuhay at sundin…

Sa aking araw araw na pakikibaka, tunay ang iyon sinasabi na gaano man katapang ang hiyaw kung mas pinipili ng nakakarinig na magbingi-bingihan, ito ay nawawalan ng saysay. Kadalasan, ang pumupuna at humihiyaw ay siya pang nawawalan ng buhay…

Kung kaya’t ako ay sang ayon sa inyong patimpalak, isang paraan upang imulat ang kaisipan ng ilang may masidhing hangarin sa pagbabago, hindi man lahat…

Ang tinig ng isa, dalawa, tatlo, hanggang kung ilan man ang may tapang, pag pinagsama-sama, kayang magdulot ng ingay at kamalayan sa mga taong piniling maging bulag, pipi, at bingi….

Ito ay isa pang nakakalungkot, suporta mula sa mga taong nagtatamasa ng sagana ay di maasahan… sapagkat di nila nararamdaman ang kahirapan…di umiimik, husto nang humiga sa malambot na higaan…natatakot mawala ang kanilang karangyaan…

Ang umaaray at humihiyaw ay ang ating mga kababayang salat sa ginhawa ng buhay…sila yaong sa gabi ay nag-iisip kung ano ang ipapakain sa pamilya kinabukasan, sila yaong sa umaga ay hinahabol ang araw upang kumita lamang ng maliit na halaga sa lansangan…

Sa aking araw araw na paglalakbay, aking minamasdan ang mga tao sa kalsada, bakas mo sa kanila ang pakikipagtunggali sa kahirapan…ngunit, ginoo, ako sa kanila ay humahanga… init ng araw di nila iniinda, buhos ng ulan ay kanilang di alintana…ito ay karakter ng Pilipino na nangingibabaw sa ibang lahi…ang Pinoy ay may tiyaga, di madaling sumuko…

Iiyak at hahagulgol lamang sa isang tabi kung nakakaranas ng pagdadalamhati at matinding dagok sa buhay, kung nabibigo at mistulang walang pag-asa….

Kinabukasan, ayun na naman sa kalsada…humaharap sa panibagong pagsubok, taas noo, kahit kanino…

Yan si Juan de la Cruz…ang ordinaryong Pilipino…

Hinihintay pa nating muli ang isang tamang pagkakataon na ang mga Juan de la Cruz na may ganitong katangian ay magsama-sama upang isigaw ang kanilang panaghoy…upang magkaroon ng panibagong kampeyon na magbibigay ng panibagong direksiyon sa ating lipunan…

Mangyayari lamang iyan kung pamilyang iiwanan sa tahanan ay may umagahan, tanghalian at hapunan….

Kung kailan, tanging Diyos lamang ang nakakaalam…

Tayo ay magugulat na lamang, may isang mapangahas na sisibol…Isang Kampeyon na maituturing…
maaring ang kampeyon na ito ay di pa isinisilang o nagkakamalay pa lamang…ngunit pag-asa ay ating dala sa ating puso at isipan  …

Sa mga susunod na panahon, ating taimtim na dasal…bansa natin ay gabayan upang ang ating mga kabataan ay lumaking may sapat na kaalaman at may pusong tapat sa paglilingkod sa ating lupang hinirang…

Salamat muli, Ginoong  J. Kulisap… ^_^