Nasasaktan ako dahil nasasaktan ka…

(mabigat sa loob na makitang nasasaktan ang Ina, buti na lang may WP, mas pinili ko ang tumipa kasya magsalita, napalipas ko ang bugso ng kanyang damdamin… mas malinaw ang isip at puso sa paglutas ng mga suliranin…)

 

Nasasaktan ako dahil boses mo ay mataas na…

Nasasaktan ako na nakasimangot ka…

Nasasaktan ako ngayon kasi alam kong nasasaktan ka…

Nasasaktan ako dahil mas pinili kong di magsalita….

 

Galit ka sa akin, dahil akala mo payo ay pinakikinggan…

Galit ka dahil akala mo kita ay pinaglilihiman…

Kinukuwestiyon mo ang aking mga hakbang…

Aking mga maling desisyon, iyong pinagmamaktulan…

 

Binabalik-balikan mo ang aking mga desisyong di tama…

Parang ang balon ng isipin ay iyong hinahalukay…

Ina, huwag mag-alala, sa aking bawat pagkadapa…

Nagpipilit na di na maulit, ako ay natututo sa buhay…

 

Hindi ako naghihinanakit sa iyo Ina,  kailanma’y hindi,

Alam kong kaya ka lamang ganyan dahil ako ay iyong mahal,

Alam kong ang iyong nais lamang ay ang aking kabutihan…

 

Ngunit Ina, di lahat ng aspeto ng buhay ko ay aking kontrolado…

May mga bagay na nangyayari na di ko rin maintindihan…

May mga taong nagsasamantala sa aking kabutihan…

May mga taong walang pakiaalam basta sila ay nakapakinabang…

 

Nagagalit ka sa aking patuloy na pagbibigay sa mga taong sa akin ay nagkakautang…

Hindi ko naman sila kayang pigain kung talagang walang mapagkukunan…

Nagagalit ka dahil ang aking mga suliranin ay aking sinasarili….

Kaya pa, ayokong ikaw ay maapektuhan kung kaya’t di nagsasabi…

 

Ina, bati na tayo ha? Yakap ko ay iyong damhin…

Sa bawat pagkalugmok, aking taimtim na hiling,

Hawakan mo lang ako, basta hawakan lamang…

Huwag bitawan, sapagkat ikaw pa rin ang aking sandalan…

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 17, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 27 Comments.

  1. mas masakit talaga ang ating nadarama kapag alam nating nasasaktan ang ating Ina. sa minsa’y ating pagsuway, kirot sa puso ating tunay na nadarama, wala man minsan tayong magawa pagkat may mga bagay-bagay talagang labas sa ating kontrol (beyond our control). hmmmm….

    sa kabila nito, dapat nating tanggapin na walang makakapantay sa pagmamahal ng ating Ina, at ng iba pang miyembro ng pamilya. pagkat mawawala ang lahat ng tao sa paligid sa oras ng mahigpit na pangangailangan, ngunit hinding-hindi ang isa man sa ating ka-pamilya, lalo pa’t ang ating mahal na Ina.

    (nalulungkot ako, ‘pag nakikita ko si Mama na malungkot at balisa) hmmmm…

    • tama ka, kap…nakakalungkot na minsan ang Ina ay nasasaktan…

      may mga nangyayari sa atin na minsan, giya ay nawawala, kahit anong tangan,

      sa ganang akin, mga suliraning sa aking pakikibaka ay nagmula,

      hindi ko na ibinabahagi upang di sila mag-alala…

      marahil, ang Ina na siyang nagluwal ay nakakaramdam…

      bigat ng dinadala kahit di magsalita…

      naayos na rin naman…. nakapag-usap na…

  2. Manul-nulat ng Bayan

    ako’y katulad mo rin, nagmamahal sa Ina na lubos at sukdulan…….kapag nasasaktan siya, mas nasasaktan ako, at alam kong pag ako’y nasasaktan, mas nasasaktan din siya.

    • Nalungkot ako ngayong araw na ito G. Manul…

      Ako ay kanyang tinatanong, mas piniling huwag magsalita

      Sapagkat mga katanungan ay di ko rin alam ang kasagutan…

      Siya ay nasaktan, akala siya ay aking pinaglilihiman…

      Tumaas ang emosyon, lalo’t ako’y tahimik na nakikinig lamang…

      Nasaktan akong nakikita syang nasasaktan…

      Ngunit kapag ako ay nagsalita, lalo siyang mag-daramdam…

      Lalo’t ang sagot ko sa kanyang mga katanungan,

      … ay “hindi ko po alam”…

      Lumipas na rin naman… siya ay nakangiti nang naghanda ng aming hapunan…

      • Manul-nulat ng Bayan

        alam ko at alam mo sa iyong sarili na ganyan ang mga Ina…..ang kailangan nila’y pang-unawa at alam kong lagi mo itong ibinibigay….

        • Ako’ y sumasang-ayon G. Manul….

          Ang aking Ina ay maihahalintulad sa Machine Gun kapag nagsimulang maglitanya…

          Ngunit sa bawat bitaw ng kanyang salita, damang dama ko ang pag-aalala….

          Mahal na mahal ko siya kahit minsan, ako ay tadtad na ng tama ng kanyang bala ^_^

  3. Hindi na yata talaga maiwawasan ang pagiging masyadong protective ng mga ina. May tiwala man sila sa anak, naroon pa rin ang labis na pag-aalala. Ang sobrang emosyon na nagpapawala sa kanilang katwiran. ( may punto sya, oo. Pero sa ngayon ang pakiramdam ko TAMA AKO at ALAM KO ANG GINAGAWA KO. Yan ang naglalaro sa isip ko🙂. Kung sumablay at nagkaproblema, pipilitin kong ayusin naman ito.. ( tapang ng loob) pag di ko kaya, lalapit sa magulang para humingi ng moral support… Hehe )

    Masakit sa loob na mangatwiran sa harap nila. Kung minsan kailangan din naman para malaman nila ang takbo ng iyong isipan… Hindi maiiwasan magkasakitan.. (dumadaan naman ang pagkakataon na ganun di ba? Normal sa mag-ina?😉 nagtanong na… Medyo guilty na hehhe)

    Tama siguro ang sabi ng iba…. Iba talaga ang samahan ng mother at daughter… Maaari nilang maintindihan ng husto ang bawat isa ngunit, sa di pagkakasunduan….. Parang sabong ang laban… Ikaw na ang babae lalo na kung ang hormones eh di balanse ehehehe

    • Lalo na pag ang hormones NINYONG dalawa ay sabay na di balanse… hihihi TAMA!

      Magsasabong nga kung sasabayan…^_^

      Sa araw na ito lamang mas pinili ko ang huwag mangatwiran, (hormones ko ay balanse ngayon?)

      May malalin na dahilan…malalim na din ko kayang bitawan… (mas nais na ayusin muna bago sila abalahin)

      Tama, over protective lang ang Ina. Ayaw na makita kang nasasaktan at nahihirapan.

      Kung kaya’t ang kangyang mga bala ay pinaliguan ako kanina…^_^

      Sabi mo nga, iba ang samahan ng mother and daughter…

      Matapos ang one-way na giyera nukleyar, ipinagluto naman ako ng napakasarap na adobo!

      Sumaya na ako… kaso naka post na ang kathang ito… hihihi

      • Hahhaha laki ng tawa ko… Mukhang masarap nga ang adobo at ramdam ko na normal n muli ang hormones nyo…

        Wala na ngang bawian. Nai-post na… Babawi na lang kamo sa sunod na post….

        …bukas baka ipagluto ka pa ng baon.😉
        Mahal na mahal ka nga ng nanay mo.😉

      • hihihi…

        oo normal na ang hormones ko… lalo’t ikaw ay naparito…^_^

        ako ay kanina pa gustong magtagatak ngunit walang magandang ideyang bumubulwak…

        ako ay nag-eemo kanina matapos paliguan ng bala…

        ang aking paligid ay biglang sinukluban ng ulap….

        at dahil nakakain na rin ng masarap na adobo, ngiti ay hanggang langit na…

        OO, mahal ako ng nanay ko… kaya ayoko sanang siya ay lumuluha nang dahil sa akin…

  4. magkokoment pa ba ako dto?? ang hhba ng mga koment ahaha.. pero tama ka, salamat s WP dhl dto natin nllbas mga nrrmdaman natin lalo pag tau nassktan. madalas dn kme magtalo ng mama ko ksi malihim daw ako masyado. kc gaya mo mas gusto ko solohin ang mga sakit na pnagdadaanan ko.. wag kna sad honey.. *hugs*

    • ayan, nakapagkomento ka na ng bonggang-bongga! hihihi

      Tunay ngang sa WP, (salamat sa pangungulit ni cupnoodles) natagpuan ko ang isang magandang sumbungan…

      Sumbungang nakakatuwa kasi alam mong ang reaksyon ng mga mambabasa ay iba’t iba…
      (natutuwa, nakikiluha, nakikitawa, nakataas ang kilay… ang iba naman…MA at PA —MAlay ko at PAkiaalam ko hihihi)

      Mas piniling magsumbong sa WP kesa sgutin ang Ina…

      Nakaganda di ba?

      Nakatikim akong muli ng adobong luto nya, na di ko pinag sasawaang paglawayan mula noong maliit pa…Amoy pa lang, ulam na! hihihi

      At Kaye,

      KAhit ang aking Ina ay mas magaling pa sa aking ama magpakawala ng bala…

      Siya ay aking Ina pa rin… ayaw masaktan hanggat maari…

      So, moment niya iyon, hayaan siya sa moment niya… siya ang bida (at ako sa kanyang isip ang extrang-kontrabida na mahal nya) hahahhahah!

    • ang komento maikili man o mahaba, nagbibigay ng kaibang saya. un lang. hihi.

  5. theworshipwarriorbride

    Minsan masaktan na’ng lahat ‘wag lang ang ating mama
    Ako rin apektado kapag s’ya ay lumuluha
    At minsan sa dami ng kanyang dala-dala
    Nakakahiya nang sa ating problema’y idamay pa sya
    Pero yun pala mas nasasaktan s’ya
    kapag kabigatang ating pasan-pasan
    Sa iba niya pa nalaman

    Ang Nanay…♥♥♥

  6. tunay ka warrior, tunay ka…

    Sinasagot ka habang natatraffic hihihi

    papunta na ako sa akin mtg🙂

    • theworshipwarriorbride

      hihihi…ngayon lang nakahanap ng pagkakataon mamasyal nang bongga! hehehe…

      God bless sa meeting ate🙂

  7. one down, another to go! Hihihi

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: