TakaTak nang TakaTak…

(One of the best interventions to address anxiety is to allow the person communicate his/ her feelings, while the other party listens intently…I have discovered however, that verbalizing can be alternated with writing…it has the same calming effect on the nerves…) 

 

Takatak nang takatak…

Parang musikang tumatatak…

Kay sarap pakinggan lalo na’t nalulumbay…

Sa agos ng kataga, ito’y nag-aantay…

 

Takatak nang takatak…

Mga ideya sa isip ay hinahatak…

Pilit binubuo, upang magkaroon ng anyo…

Pilit inihuhuho, upang ito ay tumabo…

 

Takatak nang takatak…

Damdaming pilit bumubulwak…

Sa mga pangungusap, ito ay inilalapat…

Sa bawat takatak, lungkot ay naaampat…

 

Takatak na lang ng takatak….

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 17, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    takatak nang takatak……at ikaw ay nagiging tao
    at ikaw ay natututo
    at ikaw ay nakabubuo
    ng ilang libong pangaral sa mundo….

  2. (One of the best interventions to address anxiety is to allow the person communicate his/ her feelings, while the other party listens intently…I have discovered however, that verbalizing can be alternated with writing…it has the same calming effect on the nerves…)…… based on my experience…TAMA!!!🙂

    • Salamat sa pagsang-ayon, Kayedee!!!

      Totoo….

      Minsan ang panulat ay nakakabawas ng sama ng loob….

      Huwag nga lang magbuhos ng reklamo, patama dito, patama doon, na walang basehan at may pangalan….hihihii… dahil baka makasuhan ng Libel pag nagkataon ^_^

      Pero tunay ka, sa mga panahong walang kausap, kesa naman kausapin ang sarili sa salamin ( baka ikaw pa ay mapagkamalang “bu-ang” ), magtakatak na lang nang magtakatak…

      Itaktak ang laman ng utak…
      Itaktak ang laman ng puso…

      Hala sige….

      Takatak lang ng takatak!

      • ahahah.. na try ko yan! sagutan sa kapwa blogger sa pmmgitan ng post. nakakaaliw ahahah.. kaya pde kme ang magdemandahan ng libelo ahaha

        hay naku wala ng mtatagagtag sa utak ko honey. ahaha

      • nakakaaliw ngang tunay…

        lumilipas ang oras na di namamalayan…

        napapahinga ang isipan sa mga surilanin ng mundong ginagalawan…

        mag-ingat lamang sa mga katagang binibitawan at baka ang hantong ay demandahan hahahhaha

        ang problema, sino ang idedemanda?

        ang lahat halos ay nakatago ang katauhan hihihi

        dapat ma WP court of appeals din…

        lahat ng miyembro, malalakas ang appeal! hihihihi

  3. tila sa aking pagtakatak,
    aking pawis ay tumagaktak,
    muntikan na ring humagalpak,
    samahan pa ng palakpak

    o diba swak na swak.

  4. hahahaha…

    Ako ay napahagalpak sa iyong takatak….
    Tila gustong pahirin pawis na pumapatak…
    Nais paulit ulit marinig iyong halakhak…
    Sa aking puso ay swak na swak….

    Oks na oks, matinik na manunulat🙂

  5. theworshipwarriorbride

    hahahaha…natuwa naman ako dito
    hindi ko malaman pero sa kabila ng kabusyhan
    sa akin ay may humihilang bakas ay iwanan

    (at infairness nagpapamakata ako ngayon hahaha)

    Buti nalang talaga andyan si kaibigang WordPress
    Anumang emosyon natin sa keyboard letra ay pwedeng i-press
    hehehe…nakakabuo pa ng mga akdang nakaka-impress!

    (tagpilit sa rhyme hahaha)

  6. Your blogs are very inspiring. Very true in nature. I can see myself wandering around such blogs as yours. Keep up the good work🙂 Cheers!

  1. Pingback: Ang MadaLdAL nA BoLpEn (The Talkative Ballpen) | 25pesocupnoodles

  2. Pingback: Ano ang nasa isip? :) « Chilledhoney's Blog

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: