Tinig ng Pagtangis

Tinig ng pagtangis tumagos sa aking puso, isipan at kaluluwa…

Sadyang kirot ay nagdulot ng tuluyang pag-agos ng iyong luha…

Sa aking matamang pakikinig, iyong pangungulila sa ama ay aking damang – dama…

Ang iyong panaghoy, nauulinigan di lamang ng aking pandinig, kundi pati ng pusong lubhang nag-aalala…

Batid na walang anumang salita ang makakaalis ng iyong hinagpis..

Ngunit hayaan mong haplusin ang iyong damdamin, bigyan ng kaunting pahinga ang isipan,

Pagmamahal ng Amang pumanaw ay tunay na walang katumbas,

Ngunit Ina na kanyang kabiyak ay nariyan pa at nagmamahal din ng wagas…

Yumakap ng mahigpit, damhin pagmamahal na mainit at walang kupas…

Sa isa’t isa madarama ang kapayapaan…kahapon, ngayon at bukas…

Ikaw bilang kawangis ng iyong ama, produkto ng pagmamahalang walang hanggan…

At siya bilang mahal na kabiyak ng amang kinasasabikan…silang pinag-isa ng pagkakataon at panahon…

Tulad ninyo, ilaw ng tahanan ay aandap andap sa pighati…

Nangangailangan din ng inyong mga halik at ngiti…

Nawa’y sa paglipas ng panahong si ama ay di na makasamang muli…

Haliging nawala ay mapalitan ng singtibay na pangsuporta sa ina, kayo ng mga kapatid mong nagmamahal sa kanya…

Ako ay naniniwalang iyon ang nais ng ama, mula sa langit tatanawin kanyang iniingatang pamilya….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 19, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 12 Comments.

  1. hmmm, napakaganda ng iyong paghahandog.

    maalis man ang lapat ng iyong tugma,
    maging bagsak ng bawat kataga,
    tanging mensahe ng iyong pagtula-tula
    ang mag-iiwan sa akin
    ng lubos na pagkamangha… hmmmm

    ang iyong pagtatangis
    nagdudulot ng pagka-alis
    ng tila kaloobang napapanis
    dulot ng paghihinagpis

    Salamat(s), Toda, Many thanks….

    Sa iyo RN marikit, paghanga ang bitiw
    ng aking labi na magiliw
    napaka-swerte na ako’y iyong mahandugan
    ng kathang nakapagpapagaan
    ng isang tila mabigat na kalooban….

  2. bakit? po ganito ang nararamdaman ko 4 mos. wala ang aking amang pumayapa pero, hinagpis at lungkot parin ang aking nararamdan. sabi nun lahat tayoy dyn ang punta. pero gulo ng isipan parin at sakit ng damdamin ang aking nararanasan.

  3. ngayon ay kaarawan aking pinakamamahal kung ama taon taon ko siyang pinaghahanda para kami’y ay may pagsaluhan sa kanyang kaarawan. hindi ko alam ngayun ang aking gagawin dahil puro hinagpis ang aking nararamdaman..

    • richelle, paumanhin sa aking naantalang tugon.

      Maaring ang pagkawala ng ama ay nagdudulot ng pighati sa tuwing sa alaala ito ay sumasagi, ngunit tingnan ang sarili sa salamin, ipagpasalamat na dahil sa kanya ikaw ay naririyan, namumuhay ng ayon sa kanyang iniwang aral. Isa kang patunay na mabuti syang ama. Siya ay karapadapat buhayin sa iyong alaala bilang isang inspirasyon. Siya ay kapiling na ng Ama sa langit at nasa isang kalagayan na walang hanggan ang ligaya… nais kong ikaw ay ngumiti sa alaala niya… marahil, yun din ang nais niya…magpakatatag ka kaibigan …salamat sa pagdalaw sa aking pahina

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: