Pakiusap…huwag itong basahin…

hmp… ang kulit mo naman…

sabing huwag basahin…kulit mo!

 

kung ako sa iyo, click out na ako…

Alis na ako dito….

 

sensya na mga kapatid…..

sa araw na ito GALIT ako!

hindi ako EMO… GALIT na GALIT na GALIT AKO!!!

 

Ang sikip sikip ng dibdib ko!

Namumula ang mukha ko!

Di ako makahinga!

Nakakuyom ang mga palad ko!

Nagsisikip ang dibdib ko!

Ayoko na! Ayoko na! Ayoko naaaaaaaa!!!!!!

 

Pag mabait ka sinasamantala ka…ako naman si “T” bait, di makahalata…

Pag umunawa ka minsan, gusto lahat unawain mo na…

Eh paano naman ako???

Sinong uunawa sa akin???

Isinabit nyo na ako???

Sa lahat ng ginawa ko para sa inyo….ganito pa????

Nakatapos na kayo’t lahat, ang iniwan nyo, kargo ko pa rin???

Ang saya nyo naman!!!!

 

Anak ng sampung kalabaw na nilalangaw!!!!

 

Gusto kong magmura! di ko magawa!

Gusto kong manuntok! di ko magawa!

Gusto kong manipa! di ko magawa!

 

Gusto ko nang umuwi!!!

 

Gusto kong sumigaw…. ayan gagawin ko yan mamya!

Sa biyahe pauwi… dadaan ako doon sa burol…

Isasara ang pinto ng kotse, di ako dapat marinig ng mga anghel sa loob…

Ilalabas ko ang baga ko!

Isisigaw ko ang mga hinanakit ko!

Isisigaw ko ang mga sama ng loob ko!

Sa mga taong mapagsamantala, graaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!

Sa mga taong walang pakiaalam sa iba, sarili lang nila iniintindi nila…..graaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!

 

Tsk tsk tsk tskkk……. ang hirap ng ganito…. di ako makapaglabas ng emosyon ko….

Kasi sa harap ng mga tauhan ko ako dapat ang in control……

Pag nawindang ako… windang silang lahat….

Magkakawindang-windang!!!!

 

MAGDADASAL ako…IPAGDADASAL ko kayo…

MAMAYA..

Pag hindi na ako galit…

Nahihiya ako humarap ke BRO na ang pangit-pangit ko kasi galit ako!!!

 

graaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!

Pasalamat kayo sa nanay at tatay ko dahil tinuruan akong maging mapagpasensya at maka-Diyos…ayun o… hanggang langit ang haba ng pisi ko !!! tagos pa nga ata!!!! kung hindi…. baka nakita nyo na akong nagwawala!!!

 

grrraaaaaaahhhhhhhhhhhhhh……

 

WP salamat ha?

 

Ganito na lang kesa makapanakit ako, sa salita at sa gawa…😦

 

O tapos na, kailangan ko nang ngumiti… tapos na ang break… may mga tao na!!! (doble kara!)

 

Nasusuka ako…😦

 

Gusto ko ng hugs…

 

(Pag galit, wag magsalita, baka pagsisihan lang ito…. humanap ng kanto na ikaw ay mag-isa…magtakatak na lang… nabawasan na ang sakit ng ulo…di ka pa napasok sa gulo….ANG SAKIT TALAGA SA BANGS NG MGA TAONG MAY PINAG-ARALAN NAMAN NGUNIT KUNG UMASTA DAIG PA ANG MGA ANIMALS SA GUBAT!)

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 19, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 21 Comments.

  1. haayyy 50% relieved! (at least di ba?)… sakit sa bangs!

  2. hnd ko binasa. magkokoment lng ako.

    chos! ahaha.. martigas ulo ko😀

    hugggggggssssssss!!!
    mkakarma din yang nga ganyan. ewan ko ba bakit may mga sobrang bait, mabait ako pero hnd sobra.. lahat ng sobra nakakasama honey kaya bwasan ang kabaitan kasalan nang maituturing yan😀

    • napangiti mo ang paru parong napakahaba ng nguso ngayon kayedee!!!

      tigas ng ulo mo hihihi

      minsan nga naisip ko na ring wag masyadong mabait…

      hengkasoh…

      pag nasa harapan na, nakikiusap with matching tears ….ayun ala na… tapos… oo na ang tugon….tutulong na…

      minsan gusto kong gupitin o ipakulot ang bangs ko!!!!

      salamat sa hugsssssss!!!! kelangan ko yan ngayon….huhuhu

      • kung paulit ulit nmn honey dpt madala kna at once n lumapit sau ulit sau. icpn u nlng na umaarte lng sya pra d ka maawa.

        • Isang buong grupo ng 30 katao yan kaye…😦

          at isang unibersidad ang kausap ko…😦

          nagawa ko silang ipa-top sa boards ng dalwang beses… kahit ang payments nila ay sumasabit…

          itong pangatlo, masakit na sa bangs talaga….

  3. Huwag basahin? Hehehhe kung alin daw ang bawal yon ang ginagawa…
    Aabangan ba natin mamaya paglabas nyo?!?!!!!! Hahahha ( parang kaya ko noh). Sorry naman kay Gat Jose Rizal. Wag daanin sa dahas kundi sa panulat ang pakikibaka…😉
    May “psychosomatic reaction” ka rin pala…😉
    Tama.. Daan ka sa burol mamaya pag-uwi mo. Punuin mo ng sariwang hangin ang dibdib. Nang lubusan kang kumalma. Bumalik ang nawalang enerhiya. Tapos pag-recharge ka na.. Sugurin mo na sya! Hahahhahha joke… ( baka manugod ka nga at ako masisi, kaya umuwi ka na lang. Pag-uwi kailangan mo ng lakas, imagine: magluluto, maghuhugas ng pinggan, magaayos ng higaan, aasikasuhin ang mga bata at tatakatak ka pa sa harap ng pc mo o baka maglalaba ka pa😉. Ang dami mong gagawin tsk tsk…
    Halloooo ms honey… Gandang day…

    • bawal ay masarap gawin hihihi (ssshhhhhhh….)

      naku gusto kong manabunot! pero di ko magawa… (hmmm, dapat pala naisama ko ang linya na yan ah…)

      ayokong magkagulo kasi alam kong kaya ko ring magbitaw ng masasakit na salita… nag inhale, exhale na lang… hengkaso… parang balloon na sasabog ang ulo at kasingkasing ko….kaya kailangan sumuksik dun sa pinakakanto ng office… nagsuot ng “do not disturb” face… at nagtakatak…. hayyyyyy….

      oo may psychosomatic reaction na rin ako… gwuaaarrkkk…. ay sorry ^_^….

      hahahahah!!!! kagandahan ng nasa Pilipinas… may kasambahay na tumutulong… di ako peding magbasa kaagad ng kamay, ako’y namamasada ng tatlong oras papasok at pauwi … iwas sa carpal tunnel syndrome….hihihi

      Mamaya… sasagarin ko ang aking baga… doon sa burol… maglalagay ako ng harness at baka ako mahulog pag nagpasyang maghugas ng mata…. ^_^…. hmmm di peding mahulog…. marami pa akong gagawin ^_^

      Pero oo, yung pag aasikaso sa mga anghel akin yan…pag nakatulog na… takatak na …..

      hello din froggy! pinaganda nyo ni kayedee ang araw ko ^_^….

  4. theworshipwarriorbride

    ahahaha..binasa ko din sorry naman ate hehehe…
    buti nalang may WP hihihihi at least dito may silent scream…
    Matatauhan din sila, ‘wag masyado mabait para ‘di maabuso dapat din nilang malaman hanggang saan lang ang limit. Hehehehe…hindi masamang magmataray minsan lalo na ‘pag pareho naman kayong makikinabang. aja!🙂

  5. hay naku warrior, pasaway ka din🙂, sabi nang wag basahin eh…hihihi

    ang hirap din pala pag lagi kang expected na mahinahon at mapagbigay, nakakasakit ng loob na ang lumalabas ang iba may right unawain, ikaw wala….

    .tsk tsk tsk… May mga di marunong makiramdam… May di marunong magpahalaga sa effort ng ibang tao…
    🙂

  6. wag ka ng magtanong kung bakit ko binasa ang post mo. salbahe nga ako di ba? hehe…

    ako na lang magtatanong (kahit wala itong kinalaman sa taas):
    babae ka po pala?
    parehas pala tayo ng theme ng blog. paano po magdagdag ng widget sa kanan? hindi ko kasi alam kung paano magdagdag. maedyo matagal na akong nagbablog pero wala akong tyaga pag-aralan ang mga teknikal na aspeto neto. hehehe…

    mabuhay!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: