Sa paghimay ng bawat titik, salita, at parirala…

 

Sa paghimay ng bawat titik, salita, at parirala,
Sa ating pag-unawa ng bawat kataga,
Ito ay nagbibigay sa atin ng bagong kamalayan,
Ito ay nag-bibigay diin sa nais pakahalagahan…

At mula titik patungo sa kanyang banyuhay bilang talata
Sinta ay nakakapagharana..
Ina ay nakakapagbigay paalala,
Anak ay nakakapaglambing…
Pari ay nakakapaglitanya…
Guro ay nakakapagturo..

Sa makatuwid…
Tayo ay nakakapagbigay kuro kuro at puna…
Laway ay di napapanis, tayo ay nakakapagbigay haka-haka…

Sa makatuwid…
Sa bawat palitan, kaisipa’y lumalawak, utak ay umuunlad…
Sa kalaunan… ating kaalaman ay matayog ang lipad…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 15, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 15 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    makapangyarihan ang salita lalo na kung ito ay binabalot ng katotohanan at kabutihan at sinasabi ito ng taong dakila sa sariling gawa,…..

    • Isang malaking pagsang-ayon, G. Manul!

      Tunay ngang “walk the talk” ang nararapat,

      (pakinggan ang konsyensya, huwag maging mapag-balatkayo)

      At ang mga salitang binibitawan ay walang bahid ng pagkukunwari o kasinungalingan..

      (magpakatotoo tayo)

      Salamat! Ang iyong mga puna ay tunay na nakakapagpalikot ng aking isip… ^_^

  2. sa paru-parong marikit, nakaka-big-Honey ang naging produkto ng iyong malikot na pag-iisip. masarap talagang magsulat lalo’t ito’y tumatatak sa puso at isip ng sinumang bumabasa. ang iyong mga panitik sasabihin kong tumatatak sa aking psuo’t isipan, di man ako makapagbigay-puna at ako man ay pansin mong minsa’y may pagkalimot sa aking bawat pagbabalik sa iyong hardin ako’y muling napapangiti at minsa’y napapaluha, depende sa tema ng iyong katha.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: