Tumakbo…ngunit mag-ingat

(tugon sa puna ni G. Manul sa aking kathang Mapangahas)
Ang gulong ng aking buhay ay kay bilis mapudpod…

Mandatory dalas ng pagpapalit, higit sa kailangan,

Sapagkat ang aking takbo ay mabilis, matulin,

Oras ay hinahabol, pagkakataon ayaw masayang…

Lubak ay di iniinda, pagputok ng gulong mukhang nagbabadya na…

Laging nakatutok sa bilis ng kabig, tiyak na pag-apak

Sa pagdaan sa mga “Humps”, pilit na nagmemenor,

Pag kalampag ng chassis ayaw madinig…

Pagdating sa SLEX o NLEX o sa Marikina-Infanta Road…

Nagiging banayad ang takbo kahit isang daan kilometro kada ora…

Kay ganda kasi ng daan, walang kalubak-lubak…

Ninamnam ang kalayaang humawak sa manibela at kontrolin ang takbo ayon sa gusto…

Buhay ay ganyan, dumadaan sa maganda at di kagandahang kalsada…

Ngunit kung sa patutunguhan ay nag-aantay ang mabangong hapunan at malambot na higaan…

Bakit iindahin ang hirap na mararanasan?

Takbo ng takbo… anumang bilis at lubak, ikaw ay mag-ingat…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 15, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. minsan sa buhay kailangan nating maging mahinahon,
    iwasan ang pagmamadali,
    dahil baka sa kung saan tayo ay mapagawi

    subukang mahinahon
    kahit sa tarik ng bundok
    ay siguradong makakaahon.

    lalong mahinahon paglampas makaahon
    upang sa pagbulusok dahan-dahan paglusong.

    mahinahon kakambal ng pagninilay (meditation)
    paalala mula kay Cup.

    • napakaganda ng iyong tugon-puna, matinik na manunulat…

      tama ka at ako ay lubos na sumasang-ayon…

      sa buhay tayo ay dapat maging mahinahon….

      ganyan nga ang akin ginawa ngayon,

      sa gitna ng emosyong mataas,

      ako ay huminga lamang ng malalim,

      hindi nagsalita, at tahimik na lumuha…

      mas nakabuting nagpalipas ng emosyon

      dahil sulirani’y nalutas ng walang kumplikasyon…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: