Hustisya ba wika ninyo? o Circus lang?

Hmmmm…. “Emo” ako nitong mga nakaraang araw ah, napansin ko lang….

Ang hirap talaga ng masyadong malambot ang damdamin pagdating sa mga usaping puso…masyado kong ninanamnam…^_^

At dahil ang puso ay akin nang nailuto…(nagataan na, may kaunting anghang, para malinamnam)…yaan ko na munang mag stand ng matagal para kumapit ang lasa, mas masarap…

…balik tayo sa mga usaping ginagamitan ng utak, gusto ko lang itong mapadugo….

 

Hmmmm…HUSTISYA BA WIKA NINYO? o Circus lang?

Ayoko nang makisawsaw sa Facts of the Case ng impeachment ni CJ Corona…

Masakit sa bangs, nakakasuya na at nakakasuka…

Makinig nga kayong lahat sa isang di nagtapos at payak ang pang unawa….

Tama si Senador Lapid… Hindi nagdeclare, e di may nilabag…”GUILTY YOUR HONOR” …..

PAYAK…BOOM..TAPOS ang usapan…

Sang-ayon akong maparusahan ang maysala, sa pagkakataong ito si Ex-CJ Corona…paumanhin sa mga kamag-anak na ngayon ay kasama nyang nagdurusa at nasasaktan…kami ay nagdiriwang…

Nagkasala po siya, sa ngalan ng hustisya… kailangang maparusahan…

Lalo lang sumakit ang bangs ko dahil ang mga naki-kanta habang nililitis yan ay akala mo kung sinong ke lilinis….

Pero sa pagsubaybay sa proseso… nakita natin ang lahat ng klase ng pagpapel, as in….:

Papel de Liha:

Nagkukuskos ng sarili habang nagsasalita…bakit kailangang ibalandra ang kalinisan eh ang pinag-uusapan ay ang ginawa ni Corona? Buti pa si Lito Lapid, idol talaga… di lang pampelikula…pang impeachment court pa…

Manila Paper:

Hmp! Mga Senador na laging late at laging absent pag ang usapin ay tungkol sa ikauunlad ng bayan…. lumuluwas lang ng Manila kung may hahatakin pababa… tsk tsk tsk buti na lang this time, tama sila…

Papel de Hapon:

“#*xxxxxx###/……Guilty Your Honor….” (Hanudaw??????) Sa dami ng sinabi na hindi naman nagtutugma tugma…. ang naintindihan ko na lang… yung huli…. parang ibang lengwahe lang ah….buti sumang ayon dun sa tama ang verdict nya… Hindi ako graduate ng Harvard, Yale or kung saang mang elitistang paaralan pero marunong akong makinig kung may halong pagpapasikat lang….

“Post it”

Idikit mo sa harapan ko at nang maalala ko ang pinag uusapan natin…ay oo nga pala impeachment ito! Akala ko graduation speech ang ginagawa ko… (yun na un)!

Paper Wipes”

Hmmmmm…. ito yung mga taong nung una, ke kakagaganda, ke babango – both sides- pero nang lumaon, pinapahid na ang kanilang mga stand… tsk tsk tsk….buti pa ang Katol, may stand na maasahan….

Haaayyy…. satisfied naman ako sa nangyari… sana nga ito ay maging simula ng pagiging “HONEST” ng mga taong gobyerno…(nakataas ang kilay ko…. bakit kaya?)

May unang salang, may unang naluto….CJ pa… di ordinaryo… kumbaga sa menu… extra special….

Ngayon ang tanong…. anong gagawin sa mga rekado ng CHOPSEUY na mga nakasalang pa? Pansinin nyo oh… ayunnnnnnn….ang dami……

HUSTISYA ba ika nyo? …. ay oo naman… SLIGHT… isa lang yan eh….

CIRCUS ba? aba’y oo naman!….NAG ENJOY NGA LAHAT EH….

Ulitin natin!…tara- lets!

Isalang naman natin ang ibang may katulad na kasalanan (o mga katiwaliang pagtataksil ng higit sa tiwala ng taong bayan)….sigurado…. MAS MAG EENJOY TAYO SA PANONOOD nitong “CIRCUS NG ATING LIPUNAN”….

 

Sakit talaga sa bangs!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 1, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 18 Comments.

  1. nakakainis maging piping saksi sa mga ganitong mga pangyayari…kung ako ay naging si Darna lang… Ihuhulog ko silang lahat sa kumukulong lava ng Mayon at nang matuto sila…^_^

    • HI! I found your blog link in Facebook, in the LB group.

      Tingin ko naman hindi ka nag-iisang naiinis. Mas gusto mo maging Darna, pero parang mas masarap mag Incredible Hulk.

      Nagtataka lang ako din sa atin.

      Kahit laganap ang hypocrisy sa pulitiko at lunod na sa pangako ang bansa, bumuboto pa rin ang tao. Dun mo mapapansin ang uhaw ng masa; sa pulitiko mo makikita ang mapanuksong pag-akit na maari maging katotohanan ang inaasam na pagbabago.

      Naunat kulot ko sa pagsulat sa wikang kinagisnan. Pasensya na kung sablay.

      Cheers!

      • Isang pagbati mula sa paruparong bantay nitong mabulaklak na hardin, G. Brianitus!

        Talagang naunat ang kulot? ^_^

        Iyong pagpasensyahan, aking nais gamitin ang kagalingan at kalakasan ng ating sariling wika sa pangbibigay ng puna sa mga usaping may kaugnayan sa ating mga pambansang suliranin, kasarilan at pagkakalilanlan…

        Tunay ngang nakakapagpuyos ng damdamin na sa ating bayan, ang ating mga tinatawag na mga pinuno ay may kanya kanyang kabig, kanya kanyang sipa!

        Sa oras ng kampanya, ang tatamis ng dila, ang pangako ay susungkitin ang langit, tatawirin ang mga ilog at dagat, aakyatin ang mga bundok, makapagsilbi lamang….ngunit sa oras na maluklok, nalilimutan nang sila ay dapat “tagapagsilbi” at hindi ang “among” sinisilbihan… tsk tsk tsk!

        Sa tulad kong nakapag silbi na sa ating mga pampublikong pagamutan, nadudurog ang puso ko na sa karamdamang maari naming bigyang lunas, namamatay ang iba sa ating mga kababayan….namamatay lamang ng walang kalaban laban sa taas ng presyo ng lahat ng kailangan upang manumbalik ang kalusugan…( sa tuwing ako ay nagbabalot ng patay na di naman dapat mamatay at sa tuwing minamasdan pagtangis ng mga kaanak na naiwan……minumura ko sa aking isipan ang mga may kapangyarihang pagandahin ang serbisyo ng ating mga pagamutan…di dapat naging ganito, may magagawa tayo eh…)

        Bakit sa dami ng pinag uusapan sa loob at labas ng senado, hindi natin magawang magbigay ng pansin sa kalusugan at edukasyon n gating mga mamamayan? Yung seryosong usapan ha? Hindi iisang aspeto lamang na pag nagpalit ng pamunuan, kasabay nawawala ang mga benepisyo…walang nakalaang “budget” para dito? Isang malaking WTF sa kanilang lahat! (May milyones ngang naitatakbo at naibubulsa eh…buwis ko iyon! Kasama akong nagpapakahirap sa perang iyan!) Ooooppsss, paumanhin, bugso ng damdamin!

        Hayyyyyy …. Isang buntong hiningang kasing lalim ng balon ng lolo ko sa probinsya….

        Ding, ang bato bilis!!!!

        Gusto kong lumipad at mandagit ng mga pangit!

        (halata bang nanggigigil?)

        Maraming salamat iyong pagbisita sa aking hardin at nawa ang napakalapot na pulot pulitika na yong natikman ay maging dahilan ng muling pagbisita… ^_^

        Nais ko rin iyong mabisita ang isang katha na sa aking palagay ay mayroon ding mabigat na punto sa usaping ito:

        http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/10/kinang-ng-kalikasan-o-masukal-na-kagubatan-ikatlong-bahagi/

  2. Honey, salamat sa link. Kumulot ulit ang kulot ko. Saludo ako sa malalim na panunulat.🙂

    • at least may libre kang kulot, di ka na pupunta sa parlor… ^_^

      Maraming salamat sa iyong papuri… nakakatulong na lalong pag alabin ang kagustuhang magsulat…

      • hmmm…naisip ko lang…

        kung ang panulat ng matinik na manunulat at ang aking panulat ay nakakapagkulot….magtayo kaya tayo ng “WP Parlor”?….dumadami ang bizniz! ^_^

  3. LOL. Honey, go right ahead. Hahaha.

  4. Manul-nulat ng Bayan

    kanya-kanya naman tayong opinyon at di kita maaaring panghimasukan tungkol dito….

    • salamat G. Manul….

      yan ay sa aking payak na pang unawa lamang…. ^_^

      • Manul-nulat ng Bayan

        ang iyong pang-unawa ay kasintibay marahil ng iyong mabuting prinsipyo sa buhay….

        • G. Manul,

          Ang aking paninindigan ay pinahinog ng makulay na karanasan…

          Ngunit minsan, mas ninanais na sa payak na paraan mga bagay ay tingnan…

          Nagiging simple ang buhay kapag ganyan….

          Salamat sa pagbisitang muli ^_^…pasyal ka sa hardin at baka may mga katha pang maging swak sa panlasa ng iyong kaisipan…

  5. theworshipwarriorbride

    hahaha..panalo to! hahaha

  6. after manermon este magjustify ng desisyon nila ‘yung ibang senador, ang tanong lagi sakin ng tatay ko “… guilty ba ‘yung sinabi o not guilty??”. litong-lito maliban kay lito lapid. haha

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: