Aves de Rapiña (Birds of Prey) “mene, mene, thekel, upharsin”

May isang awitin na sa akin ay nakatawag pansin. Ang “Aves de Rapiña”. Napakaganda ng bagsak, ng melody at ng lyrics. Pansin ko ay napagkit. Sana basahin ninyo itong post na ito. Isa sa pinakamakabuluhang post na ginawa ko. Ingat lang, MAANGHANG ang pananaw.

Nagtataka kung bakit ganito pa rin ang Pilipinas?

Nasa kalawakan ang mga Aves de Rapiña (Birds of Prey), nasa lupa ang mga halimaw, nasa tubig ang mga buwaya.

Isang malaking gubat. May mga mandirigmang anghel na nakatanaw, pilit na binabantayan ang luntian at maliwanag na bahagi nito. Pinapanatili ang kaayusan at kapayapaan nitong nakatagong paraiso. Ngunit sadyang marami ang halimaw sa lupa, mga buwaya sa tubig at mga Aves de Rapiña  sa kalawakan. Mahirap sugpuin. Hindi madaling talunin. Mababangis. Kaybibilis, mahirap matugis. Madudulas, umaalpas.

Isang katotohanang napakasakit tanggapin.

Ang mga mahihina ay nasa mga sulok, nakasiksik, nagtatago, takot lumantad. Pinagsasaluhan ang kung anong nakatabi. Nagkakasya nang mga katawan ay magdikit dikit sa maliit na espasyo upang init ay madama. Nagkakasya na rin sa pasilip silip. Hindi magawang sumugod na kadalasan, mistulang isang pagpapatiwakal kung isusulong. Hindi dahil sa kawalan ng kakayahan kundi dahil sadyang malalaki ang mga halimaw, gahaman at sakim ang mga buwaya at mabibilis na mandaragit ang mga Aves de Rapiña.

Saan ka susuling sa kagubatang ito?

Marami ang nakaabang, sa lupa, sa tubig at sa kalawakan? Hindi maiiwasang minsan ang mga mahihina ay sumasabay na lamang sa dikta ng mga halimaw na may nabubulok na kalooban.

Kalungkutan. Napapansin, namamasdan ngunit paisa-isa ang paglaban. Hindi mananalo, wari ko kung ganito. Mahina ang isa, dapat karamihan. May lakas kung nagbubuklod. Mapapalis kung mag-isang susugod.

Isusubo na lang, aagawin pa ng mga Aves de Rapiña. Magtago man, natutunton pa rin. Matalas ang paningin, malakas ang pakiramdam. Naghihintay na lumantad ang mahihinang nilalang. Magpipista sa matutumbang katawan. Mabilis na bubulusok at mandaragit ng mga biktimang walang kahandaan.

Kabuhayan ninanakaw ng mga buwaya. Tuwang tuwa sa nahahakot nila. “Ang akin ay akin, ang iyo ay akin pa rin.” Malakas tumawa, labas ang baga at ngala-ngala. Akala sila ay nakakatuwa, para sa karamihan, sila ay nakaka-adwa at dapa itatwa. Tama bang karamihan ay walang magawa, kundi ang makitawang may pagbabalatkayo?

Nagdidiwang ang mga halimaw na nakakalat sa mga bulu bulundukin. Sinasakop ang lahat ng matanaw. Tahanang tahimik magugulo, mawawalan ng karapatan. Walang kamalayan sa kasalanan, makukulong sa isang kuwebang madilim.

Mga kaawa-awang nilalang. Nakatanghod, nag-aabang. May mga mandirigmang anghel bang darating? Natapos na kaya silang maghasa ng kanilang mga ginto at makamandag na palaso? Ang tagal naman nilang dumating! Ang paraiso ay nagmimistula nang isang libingan, ang lupa ay nagmimistula nang kumunoy, ang kalawakan ay nababalutan na ng kadiliman.

Kagandahan ng paraiso ay di na masilayan. Ang daming hunyango. Di na maintindihan kung sino ang sino, ano ang ano. Nakakatakot lumabas, di alam ang makakasalamuha. Maaring buhay ay magwakas.

Nanalig pa rin, ang mga maya, ang mga pipit, ang mga maliliit… mandirigmang anghel, magiting na pupuksain itong mga kampon  ng dilim na inaangkin ang kabuuan ng kagubatan.

Mga halimaw sa turing. Ang katulad nila’y lilipas din…

 “mene, mene, thekel, upharsin” – Biblical text, from the book of Daniel.

“your days are numbered, you have been weighed and found wanting. your kingdom will be divided.”

(Pagpupugay sa grupong ASIN, who originally released Aves de Rapiña (Birds of Prey) at sa Grupong Pendong , who did this song cover.)

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 29, 2012, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 45 Comments.

  1. I am a lover of good music when I hear one… and sigh, this one is truly amazing! The message is very strong…I hope this would break false and weak mindsets….

  2. ang husay ng pagkatalakay mo, honey – medyo biblical talaga and a social commentary na rin, wari ko… it looks like a tirade against the mighty who are capricious, tama ba?

    ah, Asin pala ang original and Grupong Pendong ang nag-cover. parang march ang tunog ng music, mabilis… nakanood na ako ng concert nila pareho before pero di ko natandaan ang song above, di ako mahilig dati sa tunog march at saka parang violent, ahaha. ^^

    pero nagandahan ako sa imagery, sa narrative that you painted above. thanks. 🙂

    • Thank you very much Sis!!!

      Napansin ko lang, walang masyadong pumapansin pag social commentaries ang post, lalo na sa ganitong paraan ng pagtatalakay. Binalikan ko ang KINANG ni Maestro Cup, hanggang ngayon, maaring nabistayan na ng marami ngunit di pa rin nahihimay. Ako ay nakihimay sa simpleng paraang aking alam. 🙂 Alam kong ang may-akda ay lubos na nasiyahan.

      Napakaganda ng awitin. Ito ay nagbigay sa akin ng “drive” na magsulat. Imagine, I had to stop the car again just to jot down my thoughts, or else baka lumipad ito kasama ng mga AVES DE RAPINA….

      Thanks talaga for reading ha? I really, really appreciate it!

      🙂

    • And this Biblical Phrase : “mene, mene, thekel, upharsin”, like INVICTUS is running over and over inside my head….

      Isa sa mga patunay na kayang buhayin at isulong ang isang tao sa pamamagitan ng mga salita lamang…

  3. Aww. Hindi ka naman galit niyan? Chill lang. Hehe.
    Anong ibig sabihin ng mene mene thekel upharsin?

    • ”mene, mene, thekel, upharsin” – Biblical text, from the book of Daniel.

      “your days are numbered, you have been weighed and found wanting. your kingdom will be divided.”

      Hindi ako galit, nagpapaliwanag lamang 🙂 hihihi

  4. dto b cnsb mo sis? hnd bako naligaw? ahihi..
    pero infairness ha. ang haba. hiningal ako. penge po tubig! 😀

    san galing ang rapina ek ek na name sis? at ang saklap naman.. ayoko ata mabuhay sa mundo na gnun.

    • hahaha… di ka naligaw…. yan yun…

      Na inspire lang ako sa tugtog sis… sana napakinggan mo… ang ganda pero ang mensahe napakatapang… Kung yan ay kinanta during Spanish times or even during the Japanese times, shoot to kill ang kumakanta, pihado…

      Nabuhay ang dugong aktibista…
      Tapos naalala ko yung Kinang ng Kalikasan ni Maestro… Yun ang pinaghugutan… napakagandang panulat… matapang at maanghang….

      Maiba naman sis di ba? Puro emo na kasi hihihi…

      Maganda ang Biblical line sis….

      ”mene, mene, thekel, upharsin” – from the book of Daniel.

      “your days are numbered, you have been weighed and found wanting. your kingdom will be divided.”

      Gusto ko lang mai-share… 🙂

  5. Ganito ang mga gusto kong post hehe, salamat po sa makapukaw kamalayang post na ito.

  6. ang tagal na mula nang nakabasa ako nang mga malalim na filipino words. nakakalakas ng imagination ‘yung pagkasalaysay. ayos!

  7. kung ang matandang inhinyero ay di na matibag, ang supling ay kailangang alagaan upang ayusin ang sirang daan at gumawa ng bagong daan….

    Ang problema ay nakabaon…

    Mahirap hugutin, talamak na….

    kailangan na ang mga bagong sibol

  8. Tama, ang mga aves de rapina ay naglipana sa ating mga kalangitan
    gusto ko ang kakaibang tapang ng iyong panulat ngayon, naging salabat ang chilled honey, nakaka-soothe ng makating lalamunan hahaha!

  9. Manul-nulat ng Bayan

    salamat sa info, maganda nga ang nais ipahiwatig,,,

  10. ganito talaga ang nangyari sa aming lugar.. buhay ang martial law dahil sa Aves de Rapiña

  11. “Hindi magawang sumugod na kadalasan, mistulang isang pagpapatiwakal kung isusulong. Hindi dahil sa kawalan ng kakayahan kundi dahil sadyang malalaki ang mga halimaw, gahaman at sakim ang mga buwaya at mabibilis na mandaragit ang mga Aves de Rapiña.”

    nagbalik ala-ala ang panahon na si cup ay sumuko pagkat walang magagawa. hmmm. napapa-isip kung tama ba ang naging desisyon.

    tama ka, isang pagpapatiwakal ang pagsugod. umiwas si cup sa tangkang pagpapatiwakal, mas ninais na tumahimik. ngunit naniniwala paring darating ang tamang panahon na msusukol rin ang mga “mandarambong”.

    • Mahirap talaga ang sumugod. Mahirap din naman ang manood lamang. Maraming pedeng gawin, nasa atin lang yan. Kung kaya mong bumangga sa pader, kung kaya mong lumakad sa daang may bubog… para lamang sa iyong pagtawid, masabi mong sibubukan mo at di ka naduwag…. go and try… u may fail, but definitely, you wont die without a fight…

  1. Pingback: Governance by FB and Twitter? « Chilledhoney's Blog

  2. Pingback: Kelangan Natin ng Kontrol | The Pinoy Site

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: