Mapagsamantala…

(Pansin ko lamang, ang mga magnanakaw at manlilinlang sa makabagong panahon ay nakapustura na, “ANYARE”?)

Tila nga yata nag-iba na ang ating panahon,

Masasamang-loob, suot ay magarang pantalon,

Japorms at de pomada, ang bango-bango nila,

Di mo talaga akalaing ito’y mga mapagsamantala.

Nakabibighaning mga salita, akala mo ay santo,

Minsang nakikinig, minsa’y nakakahilo,

Mabulaklak na mga salita, alam kung saan patungo,

Tama sa isip, kuha ng tiwala, paligaya ng puso…

Mapagkunwari, duwag, o manggagantso?

Kasama sa paglalarawan ng makabagong Pilipino?

Anong nangyari sa mga pangakong pagbabago?

Naligaw na rin ba sa basurang paraiso?

Kayhirap mapagtanto kung bakit nagkaganito,

Kung kailan naman gumanda ang ating estado,

Kasabay na lumutang itong mga sira-ulo,

Dala ay kasiraan sa buhay, pagkagulo-gulo.

Ito ay hamon sa ating mga namumuno,

Halina’t tugisin, mga kalaban ni San Pedro,

Hanapin ang basura sa tambakan ng ginto,

Huwag pabayaan, bantayan ang pinto…

May isa lamang babala sa mga nakaupo,

Ang inyong tungkulin, kasamaan ay igupo,

Hindi kayo nariyan upang sarili’y bigyang ligaya,

Kaban ng yaman ay nararapat para sa masa.

Dinggin ang sigaw ng bulong na mahina,

Sa isang sulok, ito’y gumagawa ng tula,

Lambing ng kataga, tigas ng paninindigan,

May tapang man din, aklas kung kinakailangan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 29, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 25 Comments.

  1. Isang damdaming napukaw ng iyong kakaibang pagsasalaysay ng kinang…

    Ito man ay pakikipaglaban sa kawalan, ang hangad pa rin ay kamulatan ng kamalayan…

    Ikaw at ako maestro ay naging bahagi ng “kagubatang” kinagisnan, kasama ng mga maliliit at mahihina, ngunit ako at naniniwala, sa ating mumunting mga paraan, tayo ay nag-iwan ng mga pagbabagong makahulugan… Tayo ay mga “catalysts”, yan ang aking paniniwala….

    Damdamin na sinasaliwan ng napakagandang tugtugin habang tumitipa ay nag-aalab.

    Ang tula ay pahabol lamang sa AVES…

    Hindi kasi tumugma ang kanyang tema.

    Nagpasyang ihiwalay…

    Salamat sa iyong pagbabasa, aking iyang lubos na ikinatutuwa (alam mo yan hihihi)

  2. sugod!!! este.. tama ka nga.. nag-iba na ang mga hitsura ng mga taong mapagsamantala… kawawa naman ang pinas…

  3. Hay nako, wag kang mawalan ng pag-asa sa buong humanidad. sa panahon ng kadiliman, sa panahon ng karimlan, sa panahon ng kasakiman… huwag mag-alala ito na ang simula ng pagbangon ng Pilipinas, dahil narito na si Batman. Nananana. AYYY. Hahaha. Biro lang.

  4. ay tama k jan sis. hnd mo na mkikilala ang mga mandarambong, magdurugas, manloloko etc etc. ngyon.. kaya dapat laging alert at itapon na ang pagiging mabait at enosente hehehe.

  5. sis san napunta ang koment ko dito????

  6. theworshipwarriorbride

    makibaka! Huwag matakot! Pagbabago!
    Seryoso nito ate 🙂

    Pero kahit gaano kagaling magtago darating ang panahon sisingaw at sisingaw din ang kanilang baho.

    Paluin ang mga mapagsamantalang ‘yan!

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: