Diyosang Huwad….

(Mag-ingat sa kawala ng mga salita, ang langit ay maaring magwala)

Hmmmmp! Bakit ganyan ka magsalita?

Dahil ba ikaw ay mayaman at sila’y dukha?

Grabe naman ang iyong panlalait,

Tila iba’y walang tamang sambit…

Bakit ka ba galit na galit sa mahihirap?

Di ka rin ba kumakain ng alamang at sapsap?

Bakit mukha kang dolyar, yuan, pounds at peso?

Di mo ba naiisip na di ito kailangan sa Paraiso?

Napakaganda at napakagara mo,

Ikaw ay diyosa sa paningin ng mga tao,

Ngunit di nila alam ang loob mo’y mabaho,

Umaalingasaw, masangsang, tulad ng pusali sa kanto…

Gusto kitang sagutin sa iyong pagmumura,

Ikaw lang ba ang may karapatang mambuska?

Kami ay tahimik lamang na nakikinig,

Sa pag-iingay mong tulad ng sa kuliglig…

Nagpupuyos man ang aming damdamin,

Dahil matanda ka, di ka sasalubungin,

Kakalungkot lamang sa iyong pagtanda,

Wala ka palang naipong amor sa mga dukha…

Lagi mong sinasabing tulungan ang mga mahihirap,

Dahil sila ay salat sa lahat ng bagay na masarap,

Pero bakit ngayon ang iyong dila ay kaytalas,

Bastos at mapangahas na nananalastas…..

Patawarin ka ng Diyos sa iyong masamang ugali,

Diyosang huwad, nawa’y maghunos-dili,

May nakamasid, mga anghel magpapatotoo,

Pintuan ng langit, tiyak sa iyo’y isasarado….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 31, 2012, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 19 Comments.

  1. Manul-nulat ng Bayan

    sino naman kaya ang diyosang huwad na ito????hmmmmm

  2. ahaha, kumakain ako ng alamang at sapsap… masarap pareho yon, sister 😉

  3. hindi ka nagkakamali, isang nakakainis na patutsada, isang patutsadang panlalait ang aking narinig…. hindi man ako ang pinatutungkulan, masakit ang aking dibdib 😦

    • Hmmmmm….. di ko matatawag na nagbibigay kulay dahil para sa akin, ang laitin ang mga mahihirap ay hindi tama…

      Alam ko ang pakiramdam na magsimula sa wala kaya ako kanina ay muntik nang magwala….

      Naalala ko lang na ang mga matatanda, kahit ganyan, ay di winawalanghiya 😦

  4. theworshipwarriorbride

    kagabi ulam namin alamang hehehe…. 🙂

  5. wala na ko masasabi tungkol sa bagay na ito kundi, malupit ang tulang ito…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: