(walang pamagat)

Walang maisulat,

Kung kaya’t walang pamagat…

Walang maapuhap,

Nakatago sa ulap…

Isip, sumisinghap-singhap,

Kataga, pilit hinahanap…

Pwede bang pumito,

Upang magkakwento?…

Pwede bang tumakbo,

Upang mailathala rito?

Pwede bang ngumiti,

Upang magkasipi?

Pwede bang umayon,

Upang magkalayon?

Pwedeng bang tumipa,

Mula sa alaala?

Wala nang maisulat,

Kung kaya’t walang pamagat…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on July 30, 2012, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW. Bookmark the permalink. 25 Comments.

  1. aliw ba? klap! klap!…. at walang tinta ang bolpen nyan kanina, tinaktak lang para dumaloy…

    kahirap kaya itaktak…..masakit sa bangs!

  2. Ikaw lang ata ang kakilala kong wala nang maisulat eh nakalilikha pa rin ng tula. Haay. Sadyang may mga taong biniyayaan ng galing sa sining ng pagdudugtong ng salita! Husay mo, kapatid! Walang biro.🙂

  3. Walang pamagat… Walang maisulat?
    WALA AKONG MABASA AH😉
    Naman! Bigla yta kumulot ang bangs ko hahha

  4. partida.. pamagat lang ang wala, pero meron namang katha… winner!

  5. theworshipwarriorbride

    hahaha…walang maisulat pero may nasulat…ikaw na ate! hahaha
    may naliligaw hahaha

  6. ang lagay ay walang-wala ‘yan, ha? pambihira, oo… parenthetical entry ‘to, mga kabayan! antayin natin ang main course, errr, ang presentation proper, as in… ^^

    ahaha, ikaw na, honey na chilled.😉

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: