Di pala nahihibang…
Matagal nakatitig sa pahayag na nasa harapan…
Hindi binabasa, ngunit pinakikiramdaman…
Ang puso ay gustong umalpas,
Gustong sumigaw ng malakas,
“Hindi pala ako nahihibang” kanyang wika
Totoo ang aking naririnig, totoo ang nakikita…
Kasunod ay isang mahabang katahimikan…ngunit wala na ang kaba at agam agam….
Dahil di pala siya nahihibang….
Posted on May 30, 2012, in DICTATES OF THE HEART. Bookmark the permalink. 6 Comments.
nasa isip lang natin minsan ang nagpapagulo ng sarili nating isipan….hmmmm…ang gulo nga…hehehe
Tama, G. Manul…
Hindi tamang inuunahan ng ating isipan ang mga mangyari pa lamang sapagkat ang mangyayari pa lamang ay di natin batid kung kailan mangyayari at kung ito nga ba ay mangyayari pa. Mas mabuting antayin na lamang na mangyari ang dapat mangyari upang ang mga pangyayari ay hindi makagulo sa mga kasalukuyang nagyayari…
Napakalinaw po ng aking tinuran ^_^…
Maraming salamat sa pagdalaw G. Manul!
para bang let it be or so be it?
malinaw nga…kasinlinaw ng iyong mga kaisipang ipinapaabot sa mambabasa….walang anuman po….
“Let it be” is complete surrender to the will of God…
“So be it” is resignation to what will happen, even at times, its against what you desire….
Sa akin lang, maestro…. its “Let it be”…
G. Manul,
Salamat… tunay ngang di kinakailangang maging mapalabok ang isang paliwanag upang ito ay maunawaan… Salamat po!