Daily Archives: May 6, 2012

Balatkayo Nga Ba? (aNg buHay ng ibA)

“nagigiliw sa taong mapagkumbaba, datapwat, hayagang isinusuka ang siyang mga mapagpanggap”

(sa pag-iisa ng istilo at kaisipan…mabigat na katotohanan ang matutunghayan…isang panauhing akda, matalinhagang isinulat ni 25pesocupnoodles na akin lamang isinulat muli gamit ang payak na istilo)

Isang nakakatawang palaisipan kung bakit hindi kayang tanggapin ng iba na mayroong mga bagay-bagay na hindi talaga nila maunawaan at labas sa kanilang payak na kaalaman. Silang mga mapagpanggap, sa karunungan ay mukhang salat…Silang mga duwag…ipinapasa ang sisi sa mga inosenteng nakapalibot sa kanila, upang pagtakpan ang kanilang pagkakamali.

Sa hayagang kuro-kuro at pala-palagay, hindi pa nila nararating ang kaganapan ng tinatawag na propesyonalismo… ang maging “matured” o hinog na upang manuno o humawak ng responsibilidad…handang tumanggap ng mga papuri gayun din ng pagtutuwid sa mga pagkakamali…

Mga hilaw na tagapagpatupad o tagapamuno….takot magkamali.. at lalong takot akuin ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang mga desisyon.

Nakakasuya at nakakasuka, sa araw-araw na sila ay nakikita at nakakasalamuha.

Sino ba ang makakapagsabi at makakapangaral sa kanila ng hayagan? Mga tunay na kaibigan? Naririyan ba sila? Mukhang kailangan nang ihayag ang mga puna…

Ang manggagawang matuwid ay napipilitang makiharap at makisalamuha sa kanila….maihahambing sa isang maskarang kailangang isuot upang hindi lamang magkaroon ng pagtatalo at kaguluhan…Ngunit sa kalooban, talagang hindi matanggap, kulturang baluktot…

Taong di matuwid, taong mapagpanggap at duwag….maihahambing sila sa mga hunyango, nagbabalatkayo… Nakatago sa anyong maayos at maamo….Hindi nila kayang ilabas ang tunay nilang baho….

Mapagpanggap…. Nakakasuka…Naghahanap pa ng kakampi para idepensa ang sarili…Hindi ba talaga nila kayang tumayong sa sarili nilang mga paa? o takot lang silang manindigan mag-isa? Mabuti pa ang katol… may “stand”… (pahiram po ng linya..) Sila wala….Isasama pa ang mga matuwid sa kahibangan nila….hehehe…Nakalimutang nilang ang mga matutuwid, ang pinapanigan ay madalas sa tamang pananaw, ang baluktot na paniniwalao ay hayagang tatanggihan. Sa minsanang pagkatisod sa mga impluwensya ng mga baluktot na paniniwala, pag-ulit dito ay hindi hinahayaan…

Nakakatawa silang pakinggan at pagmasdan, mga komento at utos nila na tila nangangapa sa dilim….blanko ang kanilang kaalaman. Hahaha, iba ang galaw ng kanila mga mata sa ibinubuka ng kanilang mga bibig, kitang-kita ang pagpapanggap….higit sa lahat… kitang kita ang kawalan ng patutunguhan….

Kung kaya’t ikaw na makakabasa nito, iwasan mong magpanggap na alam mo ang mga bagay-bagay na hindi mo lubos na nalalaman dahil kapag nakahanap ka ng katapat , tunay at marapat na pagtatawanan ka nila, hahaha.

Tandaan rin na hindi naman masama at hindi nakakahiya ang magtanong-tanong, kailangan lang matutunan ang gawi ng mahusay na pagtatanong (the art of questioning).

Ang mahusay na tapagpatupad o tagapamuno ay marunong tumingin sa kanyang sarili…kung nagkakamali… sinisikap ituwid ang pagkakamali… naninindigan sa tama… hayagang tumatanggi sa masama…marunong magbigay ng isang mabuting halimbawa sa mga taong kanyang nakakasalamuha…

Me he entendido?

(hango sa original na obra ng isang manunulat na umiinom ng mainit na sabaw sa tuwing siya ay nagtatagpi-tagpi ng kanyang kaisipan…25pesocupnoodles…narito na ang pananaw mo…na sinasang-ayunan ko…)

Survival kit #3: MANALIG

(Nariyan Siya, Manalig ka lamang)

“Wala ba akong karapatang lumigaya?”

“Bakit ako?”

“Bakit kailangang mangyari ito?”

“Hindi ata nadidinig ang mga panalangin ko”

“Bakit?” “Bakit?” “Bakit?”

Mga katanungang … marapat bang itanong?

Sa ating buhay, tayo ay nakakaranas ng pagkabigo,

Tayo ay nakakaranas ng pait at dalamhati,

Hindi lahat ng ating kahilingan at dalangin ay natutugunan…

Hindi lahat ay maaring biglang pagtagumpayan…

HINDI SA AYAW TAYONG PAGBIGYAN…

Maaring hindi natin nakikita ang tunay na kahulugan ng mga pangyayari,

Maaring ang ating kaisipan ay nakatutok sa literal na kasagutan…

Hindi nakikita ang katugunang matagal nang nasa harapan…

Hindi nga o ayaw talagang tingnan dahil iba ang nasa isipan…

Manalig na ikaw ay tutulungan…sa oras ng matinding pangangailangan….

Manalig na ikaw ay sinusubok upang lumabas ang katatagan….

Manalig na ikaw ay nasasaktan upang maipaalala na ikaw ay tao lamang….

Manalig na bubuhatin ka Niya sa gitna ng lahat ng kaguluhan…

Ang Maykapal ay sobrang matalinhaga….

Kadalasan kasagutan ay ibinibigay sa ibang paraan…

Kailangan lang nating buksan ang isipan upang ito ay maunawaan…

Kailangan nating makita ang aral sa ganyang kaganapan….

 

Diarrhea of the mind….cancer of the soul

(Avoid “sick” people, their disease is contagious)

Toxic matter out of the things you say….

Can stand the stinking ideas that flow…

How can you stand the pain that you cause

Even to the people closest to you?

You have the nerve to say you are right…

When obviously, you don’t even mean what you mean

You don’t even understand what you want others to understand…

You think you are a saint,  you think you know God,

When you are always ready to swear hell…

Nobody’s idea is correct, only yours is brilliant…

Yeah, even its definitely abhorrent!

In front of you, all are dumb…

They knowing nothing, you knowing everything…

When pushed against the wall,

Your point finger immediately assaults…

You are truly a great example….

Of a person who has diarrhea of the mind and cancer of the soul….

Pity, pity, pity…. no form of treatment is available….

(matinik malalim…)

PAGTATAKA…

Ito lamang ay labis na pagtataka…

Hindi inakalang kayang magtiwala…

Sa isang nilalang na walang mukha…

Sa kabila ng ngiti na iyong dala…

Nasa puso pa rin ang kaba….

Ikaw ba ay kakampi?

O isang kalaban?

Ikaw ba ay kaaway?

O isang kaibigan?

Ikaw ba ay makakabuti?

O makakasama sa akin?

Ikaw ba ay totoo?

O sadyang mapanlinlang lamang?

Di masisi na merong alinlangan…

Batid na isa kang imahinasyon lamang…

Mga katagang patukoy sa iba ay di nais makita….

Gumugulo ang isip, saya ay nawawala…

Hindi maintindihan, namamangha…

Lalo na’t wala tayong mukha…

 

(magandang plot ito sa pelikula ah… teka nga…)

YAKAP

(Yakap na mainit, nais sa bawat saglit)

Nagising ako ngayong umaga sa init ng yakap ng aking mga supling,

Nakangiti silang bumabati ng “good morning, mama!”

Ang pagmamahal ay aking damang dama,

Kitang kita sa kanilang mga mata….

Hanggang langit ang  ligayang  nadarama,

Tila ba nilipad bigla ng hangin ang aking mga problema…

Aking naisip…

Itakwil man ako ng mundo

Ibasura man ako ng ibang tao

Itapon man nila ang pakikisama…

Sa akin sila man ay humusga…

Narito mismo sa loob ng tahanan ko…

May dalawang anghel na nagpapahalaga,

Hindi nagmamaliw ang pagkagiliw…

Sa nagmamahal na ina….