Sabunutan ko kaya si Kupido?

Masayang balikan 🙂

Chilledhoney's Blog

(paglalaro ng tadhana, isang pagsubok na di maikakaila)

Oi Kupido, kakagigil ka na ha?

Lumapit ka nga at nang masabunutan kita!

Pambihira naman ang iyong ginawang pagpana,

Pag-ibig na ibinigay, sa akin ata ay magpapaluha…

Matanong lang, nagtetext ka ba habang umaasinta?

Ayan, kung saan saan ka tuloy tumatama!

Tinawag mo pa ang kabarkadang si Tadhana,

Pero kina Pagkakataon at Panahon, ikaw  ay di nagpakita…

Kayong dalawa ay naglaro ng “Mahuli, taya!”

Paikot ikot, parang mga ibong nakawala…

Oi Kupido, talagang sasabunutan na kita ha?

Ikaw naman ay mag-ingat sa iyong paggamit ng palaso at pana…

Sa iyong pagpapakawala ng mahiwagang palaso,

Pakiusap, patamain mo naman sa tamang puso…

Bumaon man ng malalim, sinuman ang tamaan,

Makapagtamasa  man lang ng damdaming sinusuklian…

Nang sa gayon, kalungkutan ay mapawi, maiwan ang kasiyahan,

Magsing-irog ay ngumiti, magkaroon ng kaligayahan…

O sya Kupido, ako…

View original post 102 more words

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 12, 2017, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: