Para sa mga Anak

‘Para sa mga Anak’
Paano mo mauunawaan na mahal kita, araw man o gabi?
Paano mo mauunawaan na nais ko lamang ika’y mapabuti?
Paano ko maipapaunawa na ako’y tagapagtanggol na itinalaga?
Paano ko maipapaunawa na buhay mo’y napakahalaga?

Dibdib ko’y  binibiyak sa t’wing di ka pumapasok sa eskwela,
Di mo batid na upang ika’y makatawid, di  baleng kalyuhin na,
Di mo batid, lahat ng gabi ay araw para sa akin,
Lalo pa at ako’y ina sa iyo at ako’y  iyong ama na rin…

Sa pagbuhos nitong mga luha, nalamukos na ang aking mukha,
Tulad ng isang manlalarong ang pag asa’y nawala,
Pangarap para sa anak ay tila lumipad na sa kawalan,
Tila nilulukob  ng itim na ulap ang mundong kinagisnan…

Anak, sana sa oras na ito ay iyong mabasa,
Mauunawaan mo ang samo ng iyong ina,
Na walang ibang hinangad kundi ikaw ay mapasaya,
Na bago ako pumanaw, buhay mo’y maging maligaya…

Mapalad ang mga magulang na may sukli sa puhunan,
Puhunang pagmamahal, di makukuha sa tindahan,
Bagkus sa puso ito ay matatagpuan,
Mula ng ika’y isinilang, dito na ito nanahan.

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 17, 2016, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: