Dakilang Mangmang

Ayan na naman, walang humpay na katangahan!

Buntot ng buntot, ipinagsasawalang bahala naman,

Wala na bang pagpapahalaga sa iyong katauhan?

Ikaw ba’y dakilang mangmang, aking kaibigan?

Ibinuhos mo,  buong oras at panahon,

Wala nang natira sa iyo maghapon,

Iniisip mo siya, iniisip ka ba nya?

Masdan mo nga, mata’y walang saya….

May lambing pa ba ang mga salita?

May ngiti pa ba sa mga gunita?

Init ng yakap, iyo bang nadarama?

Siil ng halik, masarap pa ba?

Minsan kailangang sa sarili’y magtira,

Gumising ka nga, wala na sya,

Turnilyo’y luluwag sa sakit ng pagkawala,

Sa kalsada, ikaw na lang ba ay gagala?

“Walang hanggan” minsa’y may hangganan,

Lalo na kung ito’y pangarap lang naman,

Tanungin ang sarili, sa iyo ba’y may laan?

Baka kailangan lang, pinto’y mabuksan….

(Note: Iuntog mo ang iyong ulo sa pader, baka magising ka kaibigan….walang makakapagpabago ng iyong kapalaran kundi ang sarili mong paninindigan!}

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 7, 2015, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: