TUBIG AT PAG IBIG

Nais kong hawakan yaring tubig,
Ngunit minsa’y mainit, ito’y masakit,
Nais kong hawakan yaring tubig,
Ngunit minsa’y malamig, ito’y gumuguhit…

Nais kong magtampisaw sa tubig na mababaw,
Upang malabong buhay aking maaninaw,
Makitang maliwanag minsan ang kulay,
Tapat na damdamin sa aki’y ialay…

Tulad ng tubig, dumudulas yaring pag ibig,
Ramdam na, minsan pa’y siksik liglig,
Ngunit minsa’y umaagos kasabay ng luha,
Kung ito ay lumabo, kasing kulay ng lupa.

Nais kong magtampisaw sa tubig,
Nais madama hiwaga ng pag ibig,
Yumayakap, nanonoot, nakakakilig,
Walang hangganan, pangako ng iniibig…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 5, 2015, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: