Nang Umasa ang Sawi

Kulay abong kalangitan,
Nagbabadyang pag-ulan,
Dampi ng hangin sa katawan,
Wari ba ito’y nasusugatan…

Sa paligid, latag ang kadiliman,
Huni ng kuliglig, siyang nauulinigan,
Bigat ng dalahin, pingangatawanan,
Sugod lang, pagal man ang isipan..

Kumapit ng mahigpit, nagbakasali,
Bulaklak sa hardin, syang kanyang napili,
Marami sa paligid, mabango’t kayrikit,
Sadyang naiiba, taglay mong pang akit…

Balong malalim, sa dulo’y madilim,
Patong-patong, gabundok na lihim,
Tahimik sa tabi, nangangarap palagi,
Nawa ligaya’y; huwag managhili…

Di lahat perpekto, lahat may pagkakamali
Bahid ng itim, makikita sa puti,
Pangarap at puso , nawa’y ngumiti.
Upang sa paggising; may tamis Sa labi…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 4, 2015, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: