Fairy tale na Fantasy

Fairy tale na fantasy. Hindi totoo pero sa isang banda, hinahangad na, sana, ito ay may katotohanan – yung may saya sa pagpikit ng mga mata, yung walang luha sa pabukas ng mga talukap nito. Isang mundong tinatakbuhan kapag ang kasalukuyan ay puno ng suliraning nakakapagpapintig ng sintido o puno ng mga bato at bakal na nakadagan sa nagdurugong puso. Ang ninanais na marahang paghaplos sa katauhan ay doon hinahanap –  yung titig na buong pagmamahal at lambing na pati mga kerubin ay kikiligin… Ang pakawalan ang damdamin nang walang hahadlang. Minsan nakatitig sa naglalarong ulap, iniisip kung anong paraiso meron ang kalawakan. Minsan, nangangarap na sa isang napakagandang halamanan, may kasintahang naghihintay, may mga bisig na malayang yayakap, may mga labing malayang sasalubong.
Isang pook na iyo at akin lamang. Walang witches at walang kontrabida. Walang Evil Lords at walang syokoy na kamukha ng buwaya.  Ikaw at ako lang ang bida… Sa isang panta-serye ng buhay na blockbuster Sa tadhana…

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 16, 2015, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: