Sa Iyo

“Sa buhay may mga dapat panindigan at dapat pakawalan… ‘

Binabalik balikan,
Halakhak at kasiyahan,
Kahit pumatak ang ulan,
Bumubuhos ang kaligayahan…

Matagal tagal na rin naman,
Kasama sa saya at kalungkutan,
Kahit sa matinding kaguluhan,
Hindi umalis, hindi nang-iwan…

Nakabalumbong papel, matinding pagitan,
Nais paliparin sa mataas na  kalawakan,
Hiling ito’y pakawalan, bigyang kalayaan,
Upang matahimik, buhay na hinawakan.

Maingat na itinago, larawan mong nakangiti,
Tila nagsasabing, ikaw mahal ang aking pinili,
Bagsakan man ng asero, dumating man ang buhawi,
Sumpang binitawan, hindi na mababawi…

Salamat irog, mundo nga ay bilog,
Naligaw man noon, sa yakap ko pa rin nahulog,
Sa pagmamahal at kalinga ako ay nabusog,
Iyo akong binuo mula sa pagkadurog…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 11, 2015, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: