Kaibigan…

Paano mo malalaman ang isang kaibigan?

Sila ba yaong kasama sa lahat ng tawanan?

O sila ba yaong sa iyo ay nakikipagkilitian?

Sila ba yaong kasama sa walang pagod na galaan?

O sila ba yaong palagi kang sinasamahan?

Paano mo malalaman ang isang kaibigan?

Sila ba yaong nagsasabing ” Kaya mo yan..”?

Kahit pakiramdam mo ikaw na ay pinagtampuhan?

Sila ba yaong kasama sa walang humpay na kainan?

Sila ba yaong  nahahain kung wala kang hapunan?

Paano nga ba malalaman ang isang kaibigan?

Paano kung ikaw ay di naman yumaman?

Kung kaya’t paglilibre ay di mo makayanan?

Madalas ka pang  di makasama sa gimikan?

Di makuhang ina at ama ay tuluyang iwanan….

Paano malalaman ang isang kaibigan?

Sila ba yaong sabik sa iyo sa katagalan ?

Sila ba yaong inaalam iyong kinaroroonan?

Paano nga ba malalaman ang isang kaibigan?

Sila ba yaong nagrereklamo sa iyong kapalpakan?

At kahit mali na, pilit pa ring pinaninindigan?

Sila ba yaong sa pagdami ng iyong uban,
Kasamang magkakape habang paduyan duyan….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on November 9, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: