Pahina

PAHINA

Sa isang munting pahina,
Mga eksena’y makikita,
Hitik sa damdamin,
Umaayon sa awitin…

Nakasiksik sa sulok,
Nakayakap sa gulok,
Nasisiraan ng tuktok,
Buhay nakakasulasok…

Ngiting matamis,
Kutis na kaykinis,
Matang makislap,
Dadalhin ka sa ulap…

Nakatingin sa kawalan,
Mga luha nag uunahan,
Kalungkuta’y nakalukob,
Kaluluwa’y nakalublob…

Halakhak na kaylutong,
Wala  na yatang sumpong,
Inilabas pala sama ng loob,
Kaning tutong ay itinaob!

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 26, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: