(walang pang pamagat…)

Nagkita na naman tayo,

Ang tagal ko ring nalayo,

Hindi man lamang nakasilip,

Napatagal yata ang pagkaidlip.

Sumbungan sa bawat pighati,

Tagapayapa sa kumukulong budhi,

Tagapakinig kahit walang tenga,

Tagatakbo kahit walang paa.

Sa araw na ganitong napakalumbay,

Kung bakit sulirani’s nagkasabay-sabay,

Bakit di ako mapangiti ng haring araw,

Kahit kanyang pagsikat ay nakakasilaw?

Pikit pikit lamang mga matang pagod,

Sa alapaap sumakay at magpatianod,

Baka sa pagdaong nitong balsang butas,

Maiwan na sa laot ang kabang may malas.

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on October 21, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: