ABENTE TRES

Abente tres…
Nag aabang kay “Bes”,
Naghihintay ng tunog,
Tugudog, tugudog…

Sumilip silip sa bintana,
Baka may pamilyar na mukha,
Tumanghod tanghod sa daan,
Baka may biglang masilayan…

Hindi mapakali, ikot ikot,
Ito kasing isip napakalikot,
May uuwi, nakalutang sa pag asa,
Makapamasyal sana doon sa tumana…

Ngunit, nagtago na ang haring araw,
Ni hindi man lamang natanaw,
Malungkot na pumalit ang buwan,
Naging kapiling sa kalungkutan…

Sabi nga, kailangang tanggapin,
Gaano man kawagas ang layunin,
Paminsan minsa’y nabibigo rin,
Hindi lahat ay maaring hilingin…

Mabigat na damdamin ang syang baon,
Sa pagtulog, kasama ang kahapon,
Maligayang magkapiling, magkayap,
Mananatiling bahagi ng isang pangarap…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 23, 2014, in FREE FLOW and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: