Hikbi ng Tinta

Kaytagal naghintay, sa wakas dumating,
Anghel na kaykisig, may ngiting kaylambing,
Hinaplos ang puso, sadyang nahumaling,
Anyong pangarap, nais langing kapiling…

Ngunit…

Sa langit na kaytaas at lupang kaytigas,
Pagmamahalang ito, nakaharang ay kaytalas,
Sa kaunting paggalaw, tagilira’y butas,
Sa maling hakbang, mabuhanging luha ay tatagas…

Nais umasa, tulad ng kwento ni Prinsesa,
Harangan man ng sibat, Prinsipe’y kakasa,
Umikot man ng matulin, ilayo man ng hangin,
Tunay na pag-ibig, siya’y ibabalik pa rin…

Panahon ang makakapagsabi, ang bulong ng pipi,
Makikita din ang liwanag, sa pagsilip ng bulag,
Kung ang ukol ay bubukol, di kailangan maghabol,
Pagkat sa pagharurot ng pag-irog, lahat ay mabubulabog!

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on September 17, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: