Sa pagtakbo ng orasan…

Chilledhoney's Blog

Tik tok!
Isang kamay ay may kabagalan,
Ang isa nama’y may kabilisan…

Tik tok!
Takbo nito ay di ko namalayan,
Lumipas, humagibis! Ayan na naman!

Tik tok!
Ano nga ba ang patutunguhan?
Nitong aking buhay at kapalaran?

Tik tok!
Minsa’ y walang laman hapag kainan,
Minsa’y masagana din naman…

Tik tok!
Minsan tao sa paligid, nag-aamuhan,
Minsan, galit
, sa di alam na dahilan…

Tik tok!
Minsa’y nadudurog at nasasaktan,
Minsan nama’y puno ng kaligayahan…

Tik tok!
Nagdiwang ang lahat sa kapanganakan,
Nagluksa din naman sa kamatayan…

Tik tok!
Oo kapatid, takbo ng orasa’y sadyang di mapigilan,
Lahat tayo’y ihahatid sa ating huling hantungan..

Tik tok!
Buhay natin ay sadyang napakaikli,
Sa lahat ng ito, kabutihan ay isukli…

Tik tok!
Pag-iimbot, mula sa puso’y ating iwaksi,
Ligaya’y lilipad, kung lagi tayong mananaghili…

Tik tok! Tik tok!
Orasa’y kumakatok!
Buhay ay kanyang inaalok…

Tik tok! Tik tok!
Iwasan ang sakit sa…

View original post 8 more words

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 11, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: