Oras na… Tik Tak!

Chilledhoney's Blog

Tugon sa Kathang : ika 21 siglo (21st century clock) ng Matinik na Manunulat

“Ang oras ay walang katapusan, parang tubig sa batis, tuloy-tuloy walang hangganan.”

Oras ay tunay na walang katapusan, parang tubig sa batis, tuloy-tuloy, walang hangganan…
Tayong lahat, darating at lilisan; ORAS mananatili, sa mundo ay nananahan….

Tulad ng hangin, ito ay di nahahawakan; tulad ng ulan, pagbagsak, di mapigilan…
Tulad ng araw, nakangiting sumisilay; tulad ng buwan, payapang humihimlay…

Heto tayo at nagninilay, oras na lumipas, atin bang pinahalagahan?
…simula nang tayo ay isinilang, hanggang paghatid sa huling hantungan?

Tayo ba ay naging kapaki-pakinabang, sa pakikibaka, ginamit ang kakayahan?
Sa lakbay ng buhay, tayo ba ay nag-iwan ng magandang bakas sa ating nakaraan?

Oras ay minsang hinahabol, minsan din namang pinalilipas lamang…
Orasang tinitingnan, pag tik tak ay pinakikinggan, kamay ay minamasdan…

Sa bawat paglipas ng segundo, alam mong di na ito maibabalik,
Kung…

View original post 143 more words

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on June 11, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. astig talaga itong tula mo chilled, parang bago ulit. galing.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: