‘Wag kang pumitik’

Sa unang pasada ng mga tula,
Sa tagubilin, nais kong magsimula,
Wag kang pumitik sa tenga ng iba,
Kung iyong salita, panidigan’y di kaya…

Walang magawa, bato ka ng bato,
Kilos ng iba ay iyong bantay sarado,
Sa bawat araw, sadyang di ka makuntento,
Pangungutya ng iba, siyang libangan mo…

Sayang may utak ka pa naman,
Bawat minuto, hanap mo’y kapintasan,
Bawat galaw, iyong sinasawsawan,
Tingin sa sarili, ikaw lang  ang kagalingan…

Kung ikaw ay may nais patutsadahan,
Makipag-usap ka kaya ng masinsinan?
Hindi bulok na salita iyong pinakakawalan,
Sa bawat pagtalak, mukhang kang basurahan…

Aking payo, iwasang ika’y mabalikan,
Ba’t di ka na lang pumunta sa kabundukan?
Sumigaw, humiyaw, gasgasin ang lalamunan,
Giginhawa ka pa ng walang ibang nasusugatan…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on January 7, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: