“Sa pagbabalik”

Image
http://www.chilledhoney@wordpress.com

Sa pagbabalik ng tintang tumatapon,
Sa patuloy na pagharap sa mga paghamon,
Nais ng plumang patuloy makapagbahagi,
Nais ng bolpeng ito na dumaldal muli…

Matagal nanahimik, matagal na walang imik,
Matagal na ang mga kaisipa’y sa sulok isiniksik,
Hinabing mga tula sa damdamin ay hitik,
Damdaming may sidhi, panulat na may pitik…

Sa pag-iisang dibdib ng papel at pluma,
Sa pagsasatitik ng mga karanasang aba,
Nais pakawalan ang nagwawalang parirala,
Nais muling magsulat,umaapaw na tula…

Pasigawin, utak na kaylikot mag-isip!
Mga talatang sa hangi’y, isabay sa pag-ihip,
Luha, halakhak, pati na rin ang ‘trip’,
Ilalatag muli, gigising sa pananaginip…

All rights reserved… hnt01/07/2014

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on January 7, 2014, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 9 Comments.

  1. wb chilled… 🙂 happy new year.

  2. guess hus back..back again..chilled is back..once again…

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: