Malamig na Kapaligiran

Kasabay ng pagbuhos ng ulan,
Sya ring pagtahimik ng kapaligiran,
Tila ba ang dagat at mga kabundukan,
Nais magsipagtago sa sulok ng kadiliman…

Napakalamig ng buong paligid,
Pag- agos ng tubig ay walang patid,
Hinahanap mapunan ng init at kalinga,
Sa paligid naipadama, kumbakit dito’y wala?

Minasdan ang paligid, mga ulap ay bumababa,
Langit nakayakap ngunit di maalis ang pagkabalisa,
Kinapa ang damdamin, ano’t mayroong lumbay?
Tila ang katawa’y pandaliang nilisan ng buhay….

Paano nga ba hahakbang , paano maninindigan?
Kung mga balakid ay ramdam at nasa harapan?
Hanggang saan ipapakita ang taglay na katatagan,
Ng isang kaluluwang labis-labis  naguguluhan?

Nais ngang sumulong, nais ring umurong,
Pilit pinakikinggan malamyos na bulong,
Hinihiling na sa paglipas ng panahon,
Mauuwi rin ito sa masiglang pag- ahon….

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 22, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: