Kaibigang ka-ibigan

‘Kaibigang ka-ibigan’

Sa pagbilang ng mga nagdaang buwan,
Mga panahong umaapaw sa pagmamahalan,
Buting iyong nagawa, nais kong  balikan,
Paano ka nagmahal,  matalik kong kaibigan?

Ako’y kinabahan sa simula ng ating ugnayan,
Di malaman kung tama ba o ito’y kahibangan,
Kinapa ang puso, dinama ang nais makamtan,
At isang araw, ibinigay ang matamis na katugunan…

Napakaligaya ng ating bawa’t araw,
Parang biglang lumiwanag, nagkaroon ng ilaw,
Paligid na matamlay, nagkaroon ng buhay,
Tulad ng aking kaluluwang nagkaroon ng saysay….

May mga araw din namang may tampuhan,
May mga araw ding masayang  nagtatawanan,
Kahit ano pa man ang ating pinag uusapan,
Nagtatapos lagi sa nakakakilig na lambingan.

Binigyang halaga, mga anghel na aking kasama,
Lubhang nag-ingat sa ating bawat pagpapasya,
Kanilang kasabikan sa isang ama, iyong nadama,
Pinunan ang mga pagkukulang, sa kanila’y ikaw na.

Iyong mga anghelita, sa aki’y ipinakilala,
Natuwa at nabighani sa taglay nilang ganda,
Kuha nila ang iyong mapangusap na mga mata,
Pati na ang matamis na ngiti na nakakahalina…
 
Minsan aking mahal, ikaw ay pasaway na rin,
Ngunit kuha mo kung paanong puso ay haplusin,
Minsan naman ako ang nagiging tampuhin,
KSP lang, naghihintay na iyong mapansin….

Ngunit noong mga araw na ako’y hinahabol ng kalaban,
Ika’y laging nariyan, hindi mo ako iniwanan,
Gabi man o araw, ako ay iyong tinatawagan,
Aking kaligtasan, pilit mong binabantayan….

Gayundin nang ako’y nakulong sa isang madilim na kahon,
Sa trabahong akala sa pamilya’y mag- aahon,
Isipa’y binuksan, pinagmuni-muni sa kalagayan,
Hanggang sa natutong kumawala ng tuluyan…

Tunay kang nagbigay ligaya sa buhay n malumbay,
Ikaw ay naging kapanalig, laban sa mga kaaway,
Ikaw ay tagapakinig sa aking mga hinaing,
Ikaw ay matiyagang umalalay kapag ako ay may tililing…

Pangako mahal, sa abot ng aking makakaya,
Hinding hindi bibitaw sa binuong pag-asa,
Nananalig na sa pagdating ng takdang panahon,
Ikaw at ako, ay magkakaroon din ng pagkakataon…

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 22, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: