Bumabagyo Kasi

Marahil dahil sa lakas nina Maring at  Habagat,
Kung kaya’t pahayag ay paminsang sumusugat,
Paggiliw ay hinipan ng buhawi at hangin,
Nagiging masungit na di napapansin?

Marahil rumaragasa ng husto ang tubig,
Kung kaya’t hinahabol natin ang pag-ibig,
Sa malakas na pagbuhos ng malamig na ulan,
Nais manatiling reyna ng luntiang kaharian.

Maaring bumabagyo lang kasi kaya ganyan,
Minsan damdamin ay sadyang naapektuhan,
Sa pagbaba ng itim na ulap mula kalawakan,
Mga kaluluwa ay paminsang nalulukuban… 🙂

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 20, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: