Halimaw na Adonis

(mene, mene, thekel upharsin…. ang katulad ninyo’y lilipas din)

 

kay ganda ng iyong tindig,

mistulang Diyos na kay kisig,

kay bulaklak ng iyong dila,

may kaisipang pamukaw-diwa…

 

ngunit ano iyang iyong anino?

mistulang halimaw na nabubuo?

diyata’t sa mala-Adonis mong anyo,

may isang demonyong nakatago?

 

bakit puro kabig ang iyong alam,

di iniisip, mga bitukang kumakalam,

basta ikaw ay nakahiga na sa ginto,

di baleng ang iba ay maghati sa tuyo?

 

may lambing at ngiti kung may kailangan,

mistulang asong ulol pag di napagbigyan,

mangangakong ikaw ay magiginhawaan,

tutuparin lamang kung aapaw kanyang kaban…

 

manggagamit, sosyal na manggagantso,

yumayaman sa gahamang panloloko,

di alintana, naaapakang mga dukha,

kung pera ang usapan, wala silang magawa….

 

magpakasaya ka, ginoong may sungay,

ikaw rin nama’y  mahuhulog sa hukay,

sumige ka sa iyong kawalanghiyaan,

sa paraiso, ika’y mapapagsaraduhan…

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 13, 2013, in FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. hmmm, halaw ba ito sa kaisipan lamang. o di kaya sa kasalukuyan.🙂

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: