Guhit

Lapis at papel, aking tangan-tangan,

Nais gumuhit ng isang larawan,

Mga pangkulay sa aking mga kamay,

Nais ang likha ay magkaroon ng buhay….

 

Nag-isip sa isang tabi, nakatalungko

Nakapangalumbaba sa pagkakaupo,

Ano ang nais na lumabas na anyo,

Sa isang kwadrong di nais maging palalo?

 

Gagamitan ba ng pula, tanda ng katatagan?

Gagamitan ng dilaw, tanda ng kaliwanagan?

Maari ring kayang gamitan ng kulay luntian,

Upang ang mga mata, sa pagtingin ay magaan?

 

Nagmuni-muni, isang mukha ang nakita,

Maamo at marikit, ngunit tila lumuluha,

Sa bawat linya ng kanyang makinis na noo,

Mababakas ang mga pinagtagumpayan nito…

 

Paano kaya huhulihin, ang tagong damdamin?

Ng nilikhang,  sa akin ay tila nakasalamin?

Paano isasama sa tinta, ang paminsang luha,

Pati na rin ang paminsang saya sa kanyang mukha?

 

Itinapon ang tinta, hinayaang maglakbay,

Sa papel na puti, damdamin ay ibinigay,

Sa pagkabuo ng larawang pinaghirapan,

Nabuo ang kwentong iginuhit ng kapalaran…

 

 

 

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 12, 2013, in DICTATES OF THE HEART, FREE FLOW, KARANASAN. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: