Opps….paumanhin….

Oppps…. isang matindihang paumanhin,

Tililing ang siyang nangibabaw sa akin,

Nang masakta’y nagdilim ang paningin,

Lahat ay binura, kung pwede nga pati hangin….

 

Ngayon napagtanto, pambura ay dapat itinapon,

Kwentuhan tuloy,  di ko na makita ang karugtong,

Ano na ang ba ang simula, ano na nga ba ang wakas?

Pinagsisisihan ng wagas, pambihirang topak!

 

Note to self:

Bugso ng damdamin, huwag laging dalhin,

Minsan talaga, bato’y iyong sasaluhin,

Huwag lamang maging batang sipunin,

Na sa bawat salag, ikaw ay iiyak rin!

 

Ting ting ting! kalembang ay bumatingting,

pag mainit ang ulo, huminga lang ng malalim,

magbilang ng tupa na sa hangin ay nakalutang,

upang walang magawa na maaring pagsisihan…

 

Bagong umaga na naman ang nasisilayan,

Dasal lagi,  ito’y maging puno ng kaligayahan,

Aral ng buhay, hindi ko maaring malimutan,

Kahapong napukpok, kumpunihin kinabukasan…..

 

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 6, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: