Lumang Bago

Pung! Ikaw pala iyan!

Kumusta na iyong kalagayan?

Kaytagal ko na palang lumiban,

Buti’t Ika’y lagi lamang  nariyan…

 

Ang dami pala nating pinagsamahan,

May tampuhan, may hagikgikan,

May  iyakan, may tawanan,

May asaran, may lambingan…

 

Kayhirap  nga palang malimutan,

Lalo’t may mga aral ang nakaraan,

Kumbakit kasi mundo’y bilugan,

Kapalaran ay nahilo sa ikutan….

 

Naglaho man ng panandalian,

Di ibig sabihing may nalimutan,

Utak ay di naman napapalitan,

Alaala ay nakatago at iniingatan….

 

At ngayon nga’y naritong muli,

Nagsawa na din sa pahikbi-hikbi,

Maari na muling makipaglaro,

Dito harding ang tanim ay puso….

 

Lakbay lakbay muli sa kalawakan,

Inisantabi na ang salitang “kawalan”,

Mananatiling paboritong libangan,

Ang magsulat dito sa aking tahanan…..

 

Kung nais makipagbalitaktakan,

O di kaya’y nais na makipaglambingan,

Siguraduhing may baong panlaban,

Sa makatang tula ang natitipuhan….

 

 

 

 

 

 

Advertisements

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 5, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. 🙂 kelangan ba talaga ng kalasag?

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: