Isang Hudyat (june 14, 2013)

sa isang hudyat, dumagundong,

nagulantang, sa pagtunog ng gong…

 

lumipad, nagkagulo mga paruparo,

iyan ang nadama, sa biglaang pagdating mo….

 

nakakita ng diwata, humiling ng himala,

nag-ipon ng gamugamo, lahat kinuha….

 

kagubatan, nilinang, inalagaan,

upang kahit sa gabi, di ito katakutan…

 

sa saliw ng awit, sumayaw ang mga bulaklak,

sumipol mga ibon, lumiwanag daang tinatahak….

 

anong pagbabago ang iyong nagawa,

sa isang nilalang, na naligaw ang kaluluwa?

 

Isinakay mo sa ulap, ipinakita mundong kayganda,

kaluluwang uhaw sa pagsinta, natuwa ng sobra….

 

nagkaroon ng pag-asa, simula ay panibago,

bukas na hinihintay, darating na, alam ko….

 

About chilledhoney

"INVICTUS" panulat na matalinhaga, panulat na tumatama… ang kaisipan at kahulugan ay napag-iisa…. mga kaisipang minsan ay matindi at maanghang pagkawika, ngunit minsan nama’y payak, humahaplos sa kamalayan, puso at isipan…. at sa aking maikling panahong paikot ikot dito sa harding aking tambayan… oras ay di ko namamalayan… sa mga puna at palagay, ako ay nasisiyahan…. napakasarap pakawalan ang malayang kaisipan….

Posted on August 4, 2013, in FREE FLOW. Bookmark the permalink. Leave a comment.

just speak your mind

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: